Saturday, May 14, 2011

Tweet ni Mosley, putok sa internet STEROID SCANDAL VS PACQUIAO


source: abante.com.ph


Inatake na naman ng malisyosong paratang na gumagamit ng steroids at human growth hormone (HGH) drugs si eight-division champion at Pound-for-Pound King Manny Pacquiao ilang araw matapos ang matagumpay na pagdepensa sa kanyang WBO welterweight title kontra Shane Mosley via 12-round unanimous decision.

Si Manny Pacquiao bago tinalo si Shane Mosley sa Las Vegas. (AP)

Bumulaga kahapon ang Twitter feed ni Mosley na nagtuturo sa isang artikulong lumabas sa www.financebusinessarticles.com at sa ringtalk.com na nagsasabing isang Filipino na dating sparring partner ni Pacquiao at tinawag na “Injector” ang nagtuturok ng steroids at HGH sa Pambansang Kamao.


Walang pangalan ang source, pinutakte na ng ibang manunulat na nagsabing peke ang byline at hindi bineripika.


Pero dahil sa bigat ng alegasyon ay naging mainit na paksa sa Internet.


“These are not my words it comes from an article and his sparring partner but if it is true! Then what do you say, please google,” tweet ni Mosley, na pinapalagay na kinuha niya sa naunang feed ng kanyang girlfriend na si Bella Gonzalez.


Ayon sa “The Injector” nagsimulang gumamit ng steroids ang Fighting Congressman ng Sarangani bago pa ang laban niya kay Mexican Oscar Dela Hoya noong 2008 at siya rin mismo ang nagturok kay Pacquiao ng PEDs bago sagupain sina Ricky Hatton at Miguel Cotto noong 2009.


Ikinuwento nito na bawat linggo sa locker room ng Wild Card Gym ay tinatanggal ni Pacquiao ang kanyang shorts, at tinitiis ang pagturok niya ng heringgilya na may lamang steroids sa itaas na bahagi ng puwet nito.


At nang akusahan ni Floyd Mayweather si Pacman na gumagamit ng steroids ay bumaling ito sa HGH na hinaluan ng insulin para hindi mahalata sa drug tests.


Dumepensa naman ang trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach, sa pagsasabing walang Pinoy na naging sparring partner ang Pambansang Kamao sa mga panahong sinasabi ng “The Injector”.

source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment