Wednesday, May 25, 2011

Lider ng Family Radio, may bagong prediksyon sa gunaw


source: abs-cbnnews


Matapos sugurin ang tanggapan ng religious group na Family Radio dahil sa mali nilang prediksyon sa pagkagunaw ng mundo noong Sabado, lumantad na ang lider ng grupo at sinabing maging siya ay nagtaka nang walang nangyayari.

Sabi ni Harold Camping, leader ng Family Radio: "When May 21 came, and went, it was a very difficult time for me. I was truly, truly wondering what is going on?"

Ipinagtanggol ni Camping ang naunang prediksyon at sinabing nagkamali lang sila ng interpretasyon.

Nanindigan naman si Camping na mangyayari pa rin ang katapusan ng mundo.

Mangyayari daw ito sa Oktubre 21 ngayong taon.

"The great earthquake and rapture and the universe melting will all happen on the last day of October, 21, 2011," ani Camping.

Sa Missouri, mistulang “war zone” na ang lungsod ng Joplin matapos manalasa ang napakalakas na buhawi noong Linggo.

Sa isang video, makikita kung paano nabuo ang buhawi. Kitang-kita ang lawak ng pinsala sa lungsod.

Daan-daang bahay at gusali ang nasira.

Patuloy naman ang search and rescue.

Umabot na sa 116 ang namatay sa trahedya.

Daan-daan naman ang sugatan.

Sa Iceland, nabalot ng abo ang bayan na malapit sa Grimsvotn Volcano.

Ito'y matapos sumabog ang bulkan noong Linggo.

Nagpadala pa ng litrato ang Bayan Patroller na si Matsan Surian mula Iceland sa pagsabog ng pinakaaktibong bulkan sa Iceland.

Kuwento niya: Masakit sa mata at makati sa balat ang abo.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment