source: abante
Twenty-five pages ang iniukol ng YES! Magazine staff para sa tell all interview nila kay Jennylyn Mercado.
Nabasa na namin ang kabuuan ng interview sa June 2011 edition ng YES magazine at honestly, hindi nakakagulat ang mga rebelasyon ni Jennylyn dahil nangyayari sa mga ordinaryong tao ang kanyang naranasan sa pakikipagrelasyon niya kina Mark Herras, Patrick Garcia at Dennis Trillo.
Pero dahil mga celebrity sila, big news at talagang pag-uusapan ang mga pahayag ni Jennylyn dahil kasama rin sa kanyang mga rebelasyon ang mga misunderstanding nila ng pamilya ni Patrick, ang pagkalulong ng aktor sa online casino, ang pagiging babaero ni Mark at ang violent, action-filled split-up nila ni Dennis.
Naging honest si Jennylyn sa pagsasabi ng mga saloobin at mga lihim pero dapat na maging handa siya sa possible consequences ng tell all interview sa kanya dahil may mga supporter din ang tatlong aktor na handa na ipagtanggol ang kanilang mga idolo.
Mga supporter na magtatanong kung bakit parang si Jennylyn ang palaging biktima sa pakikipagrelasyon at parang wala siyang pagkukulang o pagkakamali?
***
Ipinagtapat ni Jennylyn sa June 2011 edition ng YES! na ang break-up nila ni Dennis ang pinakamasakit. Literal na masakit ang ibig sabihin ni Jennylyn dahil naranasan niya na sakalin ni Dennis habang nag-aaway sila.
Naglagay pa ng illustration ang YES! staff para magkaroon ng idea ang readers sa paraan ng pagsakal at pananakit ni Dennis sa kanyang ex-girlfriend.
Sa mga makakabasa sa mga ipinagtapat ni Jennylyn, si Dennis ang masama at kontrabidang-kontrabida pero dapat din na marinig ang kanyang panig dahil tiyak na may rason din siya.
Mabigat ang mga akusasyon ni Jennylyn laban kay Dennis at kung hindi ito magsasalita dahil paiiralin niya ang pagiging gentleman, siya ang magiging kontrabida sa paningin ng publiko at maaaring makaapekto sa kanyang career.
Sa kultura ng Pilipino, napapatawad nila ang mga lalake na babaero pero hindi ang mga lalake na nananakit ng babae.
***
In fairness to Popoy Caritativo (manager ni Dennis) at Dennis, nagbigay sila ng statement sa YES! tungkol sa pakikipaghiwalay ng aktor kay Jennylyn. Naging gentleman si Dennis sa kanyang statement dahil halata na iningatan niya na huwag masaktan si Jennylyn.
Nakalagay sa statement na bilang respeto kay Jennylyn, pinili ni Dennis na manahimik dahil hindi kailangan na isiwalat sa buong mundo ang lahat ng mga naging problema sa kanilang relasyon and we quote:
“Others may want to be controversial, use gimmicks, invent stories or add drama to gain public sympathy, but that has never been my style. I believe that I have built my career on my acting ability and not on my personal affairs.
“Jen will always be a part of my life. At sana, balang araw ay maging magkaibigan din kami. I choose not to speak because there is nothing to speak about. The truth is, my relationship with Jen, just didn’t work out.”
Dated May 3 ang statement na ipinadala ng kampo ni Dennis sa YES! pero kung mababasa nila ang full tell all interview kay Jennylyn, baka sakaling magbago ang desisyon nila na manahimik dahil sa bigat ng mga akusasyon ng ex-girlfriend.
***
Halos kasabay ng paglabas ng article ng YES! ang pag-amin nina Jennylyn at Luis Manzano na “dating” sila. Sinabi ni Luis sa kanyang Twitter account na inamin niya ang katotohanan para matigil na ang “user” issue at hindi na siya magsasalita dahil hindi na kailangan na pag-usapan ang mga ganoong bagay-bagay.
source: abante
No comments:
Post a Comment