Sina Ai Ai delas Alas, Cesar Montano at Butch Francisco ang mga host ng Gawad Urian na nagsimula ng past 8:30 pm. Bukod sa mga karangalan na ipinagkaloob sa mga magagaling na artista at pelikula, pinarangalan ng MPP ang pinakamahuhusay na pelikula at aktor ng nakaraang dekada.
Nanalo na si Brillante Mendoza ng best director trophy mula sa Urian pero first time niya na dumalo sa Gawad Urian noong Martes. Sinamantala ni Brillante ang pagkakataon para pasalamatan ang mga miyembro ng MPP dahil tatlo sa kanyang mga pelikula ang hinirang na pinakamahusay mula 2000 hanggang 2009, ang Serbis, Lola at Kinatay.
Kasali sa listahan ng best films of the decade ng MPP ang Tuhog, Ang Babae sa Breakwater, Batang Westside, Ang Ebolusyon ng Pelikulang Pilipino, Kubrador, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros at ang Magnifico.
Ang direktor na si Maryo J. delos Reyes ang tumanggap sa plake para sa Magnifico. Sa kanyang acceptance speech, pinasalamatan ni Direk Maryo ang Magnifico producer na si Madame Violet Sevilla at hiniling niya na ipagdasal ng lahat si Jiro Manio, ang bida ng Magnifico na ipinasok sa rehabilitation center.
Umaasa si Direk Maryo na sa pamamagitan ng dasal, isang bagong Jiro ang lalabas mula sa rehabilitation center dahil nakapanghihinayang ang aktor na tulad niya na may “magnificent” at enormous talent.
source: abante.com.ph
Thursday, May 19, 2011
Direk Maryo, humiling ng dasal para kay Jiro Manio
source: abante.com.ph
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment