Thursday, April 7, 2011

Taal, Bulusan nagparamdam



source: abante


Nagparamdam ng aktibidad ang Taal Volcano at Bulkang Bulusan, base sa magdamagang monitoring ng Philip­pine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) habang nananatiling kalmado ang Bulkang Mayon sa Albay.


Ayon sa ulat ng state volcanologists, limang volcanic quakes ang naitala sa Taal at tatlong yanig naman sa Bulkang Bulusan.


Sa Taal, may nakita umanong mahinang steaming activity sa thermal area ng e main crater-lake nito.
Dahil dito, muling ipinaalala ng Phivolcs ang babala hinggil sa panganib ng sumisingaw na carbon dioxide (CO2) mula sa crater ng bulkan.


Magugunitang naglabas ng babala ang ahensya matapos umabot sa alarming ang naitala nilang CO2 noong buwan ng Marso kung saan umabot sa 4,670 tons per day – higit doble ang bilang na ito sa 2,250 tons per day noong Enero.


“The remarkable increase in CO2 concentration indicates anomalous gas release from the magma at depth,” ayon sa babala ng Phivolcs.

source: abante

No comments:

Post a Comment