Saturday, April 30, 2011

Itinabla ang serye vs TNT UMALMA ANG KINGS

Game 2 bukas: (Puerto Princesa Coliseum)
6:00 p.m. --- Talk ‘N Text vs Barangay Ginebra

source: abante

Tinabas ng Barangay Ginebra ang second quarter 16 points deficit at hina­yaang sumablay ang 3-point shot ni Jimmy Alapag sa buzzer upang maitakbo ang 108-106 upset win sa Talk ‘N Text at itabla sa 1-all ang kanilang 11th PBA Commissioner’s Cup best-of-7 title showdown sa Cuneta Astrodome kagabi.


Nakipagsabayan ang Ginebra sa enerhiya, puwersa at nakasapaw sa TNT sa second half ng digmaan, na ‘di nagawa sa opener noong Miyerkules upang makaresbak sa serye kasabay sa paglagot sa 12 sa game-winning streak ng karibal.


“By the skin of our teeth, we played defense in the endgame,” nabunutang tinik na komento ni Ginebra coach Jong Uichico. “We should lost that game if we didn’t played smart defense in the endgame.”


Abante ng pito na pinakamalaki, 108-101 sa nalalabing 53 segundo nang magrelaks pa ang Kings para makadikit ang TNT, na may posesyon pa sa 14.4 para na sumablay lang sa tres ni Jimmy Alapag.


Bumawi si Nate Brumfield sa matabang na pinakita sa Game 1 -- 10 points lang tapos mag-ave­rage ng 28.8 sa semifinals -- sa tinaktak na 27 pts., 11-of-14 sa free throws, bukod pa sa sahog na 15 rebounds, 8 assists at 3 steals para makabangon ang kampo niya sa 102-83 loss sa Game 1.


Nagpaluwal pa ng doble ring mga pigura ang apat na teammates na sina John Wilson, Eric Menk, Mike Cortez at Robert Labagala sa pamamagitan ng 16, 15, 14 at 10 markers, ayon sa pagkakahilera para tuwid pa ang daan ng Kings sa asintang ika-10 korona sa 19 Finals stint.


“Ginebra outhustled, outplayed, outworked us. Jimmy (Alapag) is 1-of-11 in the 3-point shot. Jimmy is nowhere to be found. Paul (Harris) has two turnovers. We made four crucial mistakes and we lost by two so that’s it,” salaysay ni TNT coach Chot Reyes.


Sadya ngang nasapawan ng Kings ang Tropang Texters, lalo na ng bagitong si Wilson si Harris, na napagradweyt pa niya sa 1:47 ng laro sa kinumpletong 3pt play para sa 104-101 edge ng Ginebra.


Apat na free throws ni Mike Cortez ang sumiguro na sa unang panalo ng Kings sa pang-apat na duwelo sa season na ito ang nagbigay ng bigest lead, 108-101. Bago ang pagrerelaks ng una at muntik pang maka­singit ng TNT.


Si Harris pa ang namuno sa Texters sa kinontak na 24 pts. Apat ang sumukli ng 11 pataas sa pangunguna na 17 ni Alapag.

source: abante

No comments:

Post a Comment