Saturday, April 30, 2011

Heart, ‘dinugo’ sa syuting! Heart, ‘di hirap magpaka-virgin!

source: abante


Lupaypay parati si Heart Evangelista tuwing matatapos kunan ang mga eksena niya sa disyerto ng Paoay, Ilocos Norte, para sa remake ng Temptation Island na unang ginawa ni Joey Gosiengfiao nu’ng 1981.

Sobrang init kasi sa location at nu’ng pumasyal kami sa shooting nu’ng Huwebes, dumugo ang ilong niya dahil sa pagod at init, kaya naman hinintay muna naming gumaan ang katawan niya bago namin siya tsikahin, kasama ang mga inimbitang press sa Ilocos.


Unang chika ni Heart, napapanood daw niya ang original movie sa bahay ng kaibigang si Solenn Heussaff na isa rin sa female cast.


“Long, long time ago pa ‘yon. Before Solenn became an artista pa,” say niya.


Kaya naman never inakala ni Heart na mapapabilang siya sa cast ng cult classic na movie.


“Never! Never! But my friends really loved this movie. That’s why it was so hard for me in the beginning...the role. That’s why I didn’t really want to compromise because of the sexy scenes.


“But it was fine for me now because they gave me the virgin role. Just perfect!” paliwa­nag ni Heart na ‘yung dating role ni Dina Bon­nevie ang ginagampanan.


So, ito na ang pinaka­seksi niyang role?


“Yes! This is the shortest gown na nasuot ko at going shorter pa as time passes by in the island. Paiksi nang paiksi!” sey niya.


Kaya ba niyang maka-relate sa role niyang virgin?


“Nakaka-relate naman ako. Ha! Ha! Ha! Ha!


“Bilang sheltered naman ako nang slight. Especially when I speak English which is very me few years back. Pero ngayon, through the years, marami na akong natutunan. So, hindi na masyadong ganoon but I can portray it coz I can relate to it,” paliwanag niya.


Paano siya sasabay sa ibang girls eh, virgin-virgin-an ang role niya?


“I think na simplest role is the most hardest one to play. How you can do it and yet, shine with your role. Make a difference. Hindi naman based sa original story ‘yung characters namin. It’s our own rendition of the role. I am Virgina P here pero mayamang version.


“Taga-Poveda type.


Taga-Assumption na tusuk-tusok the fish balls. In-upgrade na namin ang role! Mas modern at medyo exagg(rated) ang pagi­ging kolehiyala!” eksplika ni Heart.


Pero sasabay din siya sa paseksihan sa ibang girls?


“Aha! Given the chance, I’ll take the chance!” bulalas niya.


Kumusta naman si Aljur (Abrenica) na leading man niya?


“Ay mabait! Sob­rang bait ni Aljur! Nag-uusap kami sa kissing scenes namin. ‘Aljur, huwag mong io-open ang mouth mo, huh!’ Sweet-sweetan lang. Ganyan lang at get naman niya!” chika niya.


May chemistry ba sila ni Aljur?


“That’s what I heard! I don’t know? Maybe our common deno­minator is Kris Bernal and Daniel Matsunaga. Maybe there’s some sort of a connection. Maybe that’s the connection we have!” sabi niya patungkol sa pinagsama­hang TV series noon nina Kris at Daniel.


Nahihirapan ba siya nang husto sa shooting sa disyerto?


“Actually, okey lang naman ‘yung mainit. Masaya naman. Saka nakapagsyuting na ako dito once upon a time!” saad niya.


Ahh, ‘yung TV series ng Ang Panday with ex- boyfriend Jericho Rosales? “I think so! Kaya once upon a time na lang siya! Ha! Ha! Ha!


“But it’s nice because everybody is really cool. Walang pa-star. You work with people that’s so easy to work. So masaya,” tugon niya.


So ‘yung shooting niya brings back old memories pala?


“Talaga naman. No, it’s good. The past is always good naman. Si Solenn, kilala ko na dati pa. Then si Lovi (Poe). Ka-vibes ko naman si Marian (Rivera). Then si Sweet (John Lapus), so it’s good. Masaya ka­ming lahat!”


Walang competition sa kanila? “No! Wala talaga kaming competition!” sey niya.
source: abante

No comments:

Post a Comment