source: abante
Nagulantang ang Malacañang sa ulat ng National Statistics Office (NSO) na sa unang bugso pa lamang ng taong 2011 ay may 4.18 milyong child laborer sa bansa kung saan karamihan sa mga ito ay nasa edad lima hanggang pitong taong gulang.
Nakasaad din sa 2011 NSO survey na 60% ng 2.4 milyong bata ay nakabilad sa mga mapanganib o hazardous na working conditions.
Aminado ang Malacañang sa pamamagitan ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na seryoso ang nasabing ulat kung kaya isa umano ito sa mga tinututukan at prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.
“They are addressing the situation to (confirm) the number of underage children who are working,” ani Valte.
Sa isa namang kaugnay na ulat, umaksyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para masolusyunan ang lumulobong dropout na mga mag-aaral sa isang public elementary school sa Occidental Mindoro dahil mas pinapaboran ng mga ito ang pagtatrabaho para makatulong sa mga magulang.
Pangunahing trabaho ng mga tao sa Sitio Toong, Bgy. Caguray sa Magsaysay, Occidental Mindoro ay pag-aasin kaya’t ang halos buong pamilya ay nakatutok sa nasabing trabaho kung saan maging ang mga batang may edad na siyam na taong gulang pataas ay nasa asinan sa halip na nasa eskwelahan.
source: abante
No comments:
Post a Comment