source: ph.news.yahoo
Nagpadala ang aktres na si Beth Tamayo sa Startalk—ang showbiz talk show ng GMA-7—ng reaksiyon kaugnay sa kumalat na balitang siya umano si Elizabeth Batain, ang isa sa tatlong Pinoy na binitay sa China kamakailan lang dahil sa pagiging drug mules diumano.
Tanging si Elizabeth lang ang hindi ipinakita ang litrato, pati ang pamilya nitong pumunta ng China bago siya binitay.
Bahagi ng email na ipinadala nito sa Startalk ang sumusunod: "Ang dami namang Beth, why me? Just because i haven't been in the surface? Hindi ko lang ma-gets na bakit saken agad na-iconnect yung Beth na binitay.
"Now, it makes me think na baka yung mga naghahanap sa ex ko ang may gawa nito just so I could re-surface and give my side. I don't wanna say anything anymore but just to appease some people who might be wondering or baka maniwala kaya eto ako i'm giving a reaction about it.
"But for the record again.. i'm very much ALIVE and KICKIN'!"
Ayon pa kay Beth, sa tanang buhay niya ay hindi pa raw siya nakarating ng China.
Nasa Amerika pa raw siya ngayon, pero ayaw muna niyang sabihin kung anong state ito.
Sinabi pa ni Beth na mabuti't hindi na raw ito nakarating sa mommy niya dahil hindi naman daw siya tinext o tinawagan tungkol sa balitang ito.
Kaya sa huling bahagi ng email ni Beth, inulit nitong buhay na buhay siya at walang dapat ipag-alala ang mga kaibigan at pamilya.
Nagparating din ito ng pakikiramay sa pamilyang naiwan ni Elizabeth Batain.
KRIS'S TESTIMONY. Si Kris Aquino ang isa sa makakapagpatunay na hindi si Beth ang tinutukoy na "Elizabeth Batain" dahil dinalaw daw niya ang pamilya ng huli sa Quezon province kamakailan lang.
Kuwento ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "I went to the family. I asked their permission if I could talk about it, and they allowed me kasi I wanted to respect kaya walang press na sumama sa amin.
"Kasama ko yung daughter ni Vice President [Jejomar] Binay, si Anne. Sila kasi yung may communication saka I went to Batain family... Ito yung family ni Elizabeth na never ipinakita yung litrato, ayaw nilang magpa-media.
"I took the chopper yesterday, it took more than an hour to get there kasi nasa dulo talaga ng Quezon. But fulfilling kasi talagang nagpasalamat sila na nagbigay kami ng pagmamalasakit, na nakiramay kami sa kanila.
"Tapos, marami silang mga gustong i-explain tungkol sa kapatid nila, kasi masakit talaga lahat ng accusations na pinagdaanan. And then I met her two children. Kinantahan nga ako nung daughter. Sinabi ko na sana talaga lalo pa niyang paghusayan because she really have a beautiful voice.
"And for me, it was really worth the effort na nagpunta dun kasi regardless of guilt, kasi, di ba, huwag na nating pag-usapan yung guilt o hindi, kasi dapat respetuhin natin ang batas ng China. Pero pamilya silang nawalan ng minamahal nila and, ako talaga, I felt that since I had that wonderful opportunity na mapuntahan sila," seryosong paglalahad ni Kris
Dagdag pa niya "Ginawan ko talaga ng paraan in my capacity as Kris. Kasi ang nakaka-surprise was that wala silang complaint how government handled it. Kasi tinanong ko, e, 'Meron ba kayong gustong ipaabot kay PNoy?' 'Wala po.'
"Kasi nung August pa lang, sumulat na siya sa China on their behalf, meron silang pina-bring up sa akin na about media and about yung privacy issues and all. But yun, napaabot ko naman sa mga boss ko. And gumaan ang pakiramdam ko dahil naramdaman ko naramdaman nilang merong nagmalasakit sa pinagdaanan nila."
Nanlaki ang mga mata ni Kris at matagal itong natulala nang sinabi namin sa kanya na may kumakalat na balitang si Beth Tamayo raw itong si Elizabeth Batain.
"Di ba, si Beth Tamayo dun sa YES! magazine gave such an active interview about Sarah [Geronimo]? Di ba? So, parang... Nakakulong na sa China [si Elizabeth Batain] nung time na yun, di ba?" patanong na sagot ni Kris.
source: ph.news.yahoo
No comments:
Post a Comment