Tuesday, March 15, 2011

Text scare inupakan ng M’cañang; Walang peligro sa ‘Pinas -- Nuke experts



Sinermunan at binantaan kahapon ng Malacañang ang mga pranksters na nagkakalat ng walang basehang text messages na umano’y magkakaroon ng radiation leak sa Pilipinas dahil sa aberya ng nuclear reactors sa Japan.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, hindi nakakatulong ang ginagawang pananakot na ito lalo na’t sensitibo ang nasabing isyu at hindi dapat na ginagamit sa panloloko.


Paniniyak pa ng palas­yo, may pamamaraan naman upang ma-trace ang mga nagpapakalat ng ganitong text messages. Mabuti umanong panagutin sa batas ang nagpapakalat nito para maturuan ng leksyon.


Uwian na! --- Dahil sa pangangalampag ng mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak kaugnay ng kumalat na radiation/acid rain scare sa text kahapon, ilang paaralan ang maagang nagpauwi ng kanilang mga estudyante kabilang ang PUP Sta. Mesa campus, base sa panayam sa ilang mag-aaral na nakapayong pa bilang proteksyon daw sa acid rain. (Jonas Sulit)

“Hindi po ito nakakatulong. Sa mga nagkakalat na ito ay wala pong lugar ‘yung mga ganitong actuation sa isang sitwasyon which is already sensitive. So rest assured that if we do find, if we do trace these things, if we do… hindi po talaga nakakatulong ‘yung mga ganitong bagay doon sa mga kababayan natin,” ani Valte.


Sa text na kumalat kahapon ay pinag-iingat ang lahat na umiwas sa matagal na exposure sa open air dahil sa pangambang may dalang nuclear radiation ang hangin at higit ay huwag magpapaulan dahil posibleng ‘acid rain’ ito na kontaminado ng sumasabog na reactor sa Japan.


Mariin naman itong pinasinungalingan ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) na nagsabing, “A plume trajectory study from the Fukushima site by the World Meteorological Organization based in Melbourne, Australia showed that the plume from the site of the incident will not pass the Philippine territory as of March 14, 2011,” ayon sa Emergency Response Bulletin No. 1 ng PNRI na inilabas kahapon.


Una nang pinawi ni DOST Sec. Mario Montejo ang pangamba ng publiko sa posibleng epekto sa Pilipinas dahil base sa “wind pattern” sa susunod na tatlong araw, papalayo ang ihip ng hangin.


source: abante

No comments:

Post a Comment