Dalawa pang pagsabog ang nangyari kahapon sa napinsalang Dai-ichi nuclear power plant sa Fukushima, Japan kung saan ang pangalawa ay nagdulot pa ng sunog, dahilan para mag-release ito sa himpapawid ng mataas na radiation level na inilarawang “makakasama sa tao”.
Ang krisis sa naturang planta ay gumapang na umano sa apat sa anim nitong reactor makaraang ma-knockout ng kambal na kalamidad na 9.0 magnitude na lindol at tsunami ang cooling system nito.
“There is no doubt that unlike in the past, the figures are the level at which human health can be affected,” pahayag kahapon ni chief government spokesman Yukio Edano.
Kaugnay nito ay libu-libong residente sa loob ng 20-kilometrong radius mula sa planta ang inilikas na.
May ilang ulat naman na nagsabing pinalawak ang “stay indoors” order sa loob ng 30-kilometrong radius mula sa planta na humahagip sa may 140,000 residente.
Kahapon ay unang naitala ang pagsabog sa number 2 reactor ng planta at ayon kay Edano, sinundan ito ng isa pang pagsabog sa number 4 reactor na pinag-ugatan ng isang sunog na mabilis ding naapula.
Sa nasabing mga pagsabog kahapon ay hindi lamang hydrogen ang sumingaw kundi na-release din ang radiation sa hangin na nasukat na mas mataas kesa sa normal na antas.
Pero isinusulat ang balitang ito ay iniulat ng Tokyo officials na bumaba na ang radiation level sa hangin at nasukat na sa average na 0.075 micro-sierverts, apat na oras makaraan itong umangat sa 0.809 micro-siervert matapos ang mga pagsabog. Ang normal na antas ay 0.035-0.036 micro-sierverts.
Matapos namang iulat ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang pahayag ng Japanese officials na, “radioactivity is being released directly into the atmosphere,” nagpahayag ng pangamba ang France sa tunay na sitwasyon sa Japan.
source: abante
Wednesday, March 16, 2011
RADIATION NASA ERE NG JAPAN
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment