Thursday, March 3, 2011

Pangatlong grupo ng mga Pinoy, nakatawid na ng Tunisia mula Libya



Sila ang pangatlong batch ng mga Pinoy pauwi ng Pilipinas lulan ang chartered flight na sagot ng gobyerno.

Kasama sila sa mahigit 400 na unang grupong tumawid sa Ras Jadr Libyan-Tunisian border noong February 27.

Masaya sila dahil pauwi na sila ngunit baon ang hirap na kanilang dinanas.

Buti na lang iyong driver namin military dati. Kilala niya lahat ng mga check points. Pero grabe...lahat naka-high powered, full battle gear. Talagang every check point, talagang hindi kami humihinga,” kuwento ng OFW na si Michael Crespo.

Dumating sila sa Ras Jadr ng alas-9 ng gabi pero nakatawid silang sa Djerba mga alas-5 na ng sumunod na araw.

Nagka-ipon-ipon kasi ang humigit kumulang na 60,000 evacuees kabilang na ang mga Egyptians, Bangladesh at Chinese.

Ang masaklap pa nito, sarado ang gate ng border kaya kailangan nilang umakyat ng bakod.

Kasamahan namin umakyat, may mga napigtas na pantalon. Ang mga bata, hindi naman pinapalo ang mga bata. Kulang na lang ihagis ang bata para lang mailigtas,” sabi ni Florita Garcia, isang OFW.

Dumaan kami... isang maliit na pader na mayroon pa pong na-stroke na hindi makadaan, binuhat namin,” sabi naman ni Rudy Bugno, isa ring OFW.

Mula Djerba, lumipad sila patungong Dubai kaninang madaling araw at doon sila sasakay ng commercial flight pauwi ng Pilipinas.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga Pinoy galing Libya dito sa Djerba.

source: abs cbn

No comments:

Post a Comment