Thursday, March 3, 2011

Imelda, hinikayat si Gaddafi na gayahin si Ferdinand Marcos



Tulad ng nangyari sa kanila noong EDSA People Power Revolution, hinikayat ni dating First Lady Imelda Marcos si Libyan leader Muammar Gaddafi na gayahin ang asawang si Ferdinand Marcos na hindi gumamit ng dahas sa pagbuwag ng protesta.

"Nandoon na sa gate ang mga tao. Hindi nagpaputok, at nagpatay ng kahit isang tao si Marcos. Wala kaming Mendiola Massacre," ani Imelda.

Personal na nakaharap ni Imelda si Gaddafi noong 1976, para pirmahan ang Tripoli Agreement na pundasyon ng awtonomiya para sa mga rebeldeng Moro National Liberation Front at kapayapaan sa Mindanao.

Ayon kay Ginang Marcos, naiintindihan niya ang pinagdadaanan ni Gaddafi dahil sa pinagdaanan ng kanyang pamilya.

"I don't blame him because I've been fighting... almost too much pain and persecution to uphold truth," aniya.

Kinontra din niya ang sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na magiging Libya din ang Pilipinas kung tumagal pa sa puwesto ang kanyang asawa.

"Ano sila sa Singapore? Discipline. Iyon din ang sabi ni Marcos," sabi pa ni Imelda.

Hindi rin sang-ayon ang dating Unang Ginang na parusahan ng United Nations at ng Amerika si Gaddafi: "Sanction might get them desperate to do something that is not peaceful."

Umaasa si Marcos na maalala pa ni Gadaffi ang turo nito sa kanya na ang Islam ay tungkol sa kapayapaan at hindi karahasan.

source: abscbn

No comments:

Post a Comment