Sunday, August 14, 2011

Sunshine Cruz nagselos ba sa Cesar-Rachelle Ann issue?

source: gmanews.tv


Kilala sa pagiging selosa ang misis ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz. Kaya naman hindi maiwasan na may magtanong kung ano kaya ang naging reaksiyon niya matapos maugnay ang mister niya kay Rachelle Ann Go.

Sa showbiz talkshow na Startalk nitong Sabado, muling pinabulaanan nina Cesar at Rachelle Ann, ang tsismis na nadevelop sila sa isa’t isa matapos silang magkasama sa event ng GMA Pinoy TV sa Canada.

Nagsimula ang intriga sa isang blind item umano’y isang singer-actress na kaka-break lang sa kanyang actor-host boyfriend ang nakitang kahalikan ng isang very much married actor.

Dagdag pa sa item, nakita raw ang dalawa na sakay ng isang eroplano na galing sa Canada. Kasunod nito, may mga lumabas pang mga artikulo na tumutukoy na kina Rachelle Ann at Cesar na siyang paksa raw sa naturang blind item.

Hindi po totoo ‘yon, hindi ko po alam kung saan nanggagaling ‘yan, hindi ko rin alam ang mararamdaman ko kung matatawa na lang ako o maiinis," ayon sa singer-actress.

Sinabi naman ni Cesar na inaasahan na niya at sanay na siya na maintriga sa mga babae. Pero iginiit niya na nais lang niyang maging gentleman kay Rachelle Ann dahil nag-iisa lang itong babae na kasama niya sa naturang biyahe.

“If I don’t hold her hand kapag siya’y naglalakad o may gagawin, napaka… hindi ako gentleman nun siya lang yung nag-iisang babae na kasama ko eh," paliwanag ni Cesar.

Samantala, hindi naman daw naapektuhan si Sunshine sa naturang intriga, ayon kay Cesar. Graduate na umano ang kanyang misis sa ganoong isyu.

“Para bang graduate na siya sa ganitong level ng ano… alam niya na ‘yan. Sabi niya nga, kung kasama siya roon hindi mangyayari ‘yon. Sabi niya next time lagi na ‘kong sasama," kuwento ng aktor.

Samantala, naglagay naman ng mensahe si Sunshine sa kanyang Twitter page bilang reaksiyon sa naturang isyu: “Baseless. Sometimes they tend to write or talk about silly things that could really hurt other people. Doesn’t deserve any of my time and effort."

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment