Friday, July 22, 2011

Iza Calzado tweets elevator encounter with Hugh Jackman


source: gmanews.tv


“I Just want you to know that I'm a huge fan & that being in ur presence in that elevator in LA (Los Angeles) has brought joy…" Isa lamang ito sa mga ipinost ni Iza Calzado sa kanyang Twitter page matapos niyang makasabay sa elevator ng isang hotel ang Hollywood hunk actor na si Hugh Jackman.

Mula pa nitong Huwebes ng gabi (Manila time), ilang tweets na ang nagawa ni Iza para ikuwento ang kanyang karanasan at panghihinayang nang hindi siya makapagsalita nang makaharap ang “Wolverine" ng US hit movie na, X-Men.

Pag-amin ng Kapuso actress, na-starstruck siya sa Hollywood actor.

“What a lucky day today! I saw Hugh Jackman in the elevator of my hotel and he was right in front of me. I was so starstruck wala akong nasabi," ayon sa isang tweet ni Iza.

Nasa US ngayon si Iza kasama ang ilan pang Kapuso stars para sa 'Kababayan Festival' na ginawa sa Los Angeles.

Bukod kay Hugh, nakita at nakatabi rin ni Iza sa isang event sa LA ang sikat na NBA player na si Lebron James.

Pero tila hindi pa kaagad nakapag-move on si Iza sa kanyang “elevator experience" with Hugh dahil nag-post pa siya ng ilang tweets tungkol dito.

“Asus! Now I have a million lines I could've said to Hugh Jackman! Face palm! :p oh I also saw Lebron James. Kept hitting his chair w/ my bag," kuwento niya.

Nitong Biyernes, sinabi ni Iza na nalaman niya ang Twitter account ni Hugh at dito na lang niya ipinaabot ang mga nais sana niyang sabihin na hindi niya nagawa nang magkita sila sa elevator.

“Hello @RealHughJackman :) I Just want you to know that I'm a huge fan & that being in ur presence in that elevator in LA has brought joy..

“And inspiration to an actress from Manila. I was the girl in white in the hotel elevator, I hope to work w/ you one day :) @realhughjackman."

Hindi man niya nakausap si Hugh, laking pasasalamat pa rin ni Iza na nakaharap niya ang hinahangaang aktor.

source: gmanews.tv

No comments:

Post a Comment