Sunday, July 17, 2011

Edgar at Sexbomb Johlan, 6 buwang nag-live in!


source: abante.com.ph


Inamin ni Edgar Allan Guzman sa presscon ng The Sisters ang balita na nag-live in sila ng kanyang girlfriend, ang Sexbomb Dancer na si Johlan Veluz.

Ikinuwento ni Edgar na anim na buwan na silang nagsasama ni Johlan sa isang condo unit sa Cainta, Rizal pero sa kanilang huling pagkakausap, napagkasunduan nila na maghiwalay ng tirahan.


Babalik na si Edgar Allan sa bahay ng kanyang pamilya sa Pasig at maiiwan si Johlan sa condo unit.

Itinanggi ng aktor na papunta sa permanent split-up ang kanilang relasyon.


May mga natuwa sa desisyon ni Edgar Allan na bumalik sa pamilya niya dahil makakapag-concentrate na siya sa kanyang acting career.


Si Edgar Allan ang lead actor sa Ligo Na U, Lapit Na Me, ang sexy comedy movie na pinagbibidahan nila ni Mercedes Cabral at official entry sa 2011 Cinemalaya Independent Film Festival.


Regular na napapanood si Edgar sa Lokomoko U at sa The Sisters, at gay friend ng karakter ni Nadine Samonte ang kanyang ginagampanan.

source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment