Saturday, June 25, 2011

“Stop bashing my mom! God bless and peace to all!” -- Heart

source: abante.com.ph


Nagbabakasyon si Heart Evangelista sa Brazil, kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga, pero mabilis na nakarating sa kanya ang mga kaganapan sa presscon ng Temptation Island sa Imperial Palace Suites noong Huwebes.


May tono ng pakiusap, paghingi ng saklolo at babala ang mga entry ni Heart sa Twitter account nito dahil sa pagkakadawit ng kanyang nanay na si Cecile Ongpauco sa misunderstanding nila ni Marian Rivera sa set ng kanilang controversial movie.


“Why is it so unfair? Too much. Someone.. please do something if not I will have no choice. I may not be on the same page with mom 90% of the time but she is my mother so stop bashing her.


“If any lie is said...with your info displayed then you will get what you deserve. Sobra na po talaga.

Totally not fair anymore. This will be the last time...I will tweet about this ne­gative vibe. I am on vacation and having a nice time and all I ever wanted was to finally laugh since all I did was be silent and cry. Tama na po, let’s not be unfair. God bless and peace to all,” ang tweet ni Heart.


***


Sa kabila ng pakiusap at babala ni Heart, tila hindi pa matatapos ang pagkakadamay ng kanyang ina dahil sa mga pahayag nina Marian at Rufa Mae Quinto sa presscon ng Temptation Island.


Itinuwid ni Rufa Mae ang sinabi ni Marian na labinlimang pulis ang kasama ni Mrs. Ongpauco sa arrival area ng domestic airport. Ayon kay Rufa Mae, limang pulis lamang ang kasama ni Mrs. Ongpauco at mismong si Heart ang nagkuwento sa kanya.


Dawit sa isyu ang mga kasama ng nanay ni Heart sa airport dahil kung totoo nga na mga pulis sila, may katanungan na kailangan nila na sagutin. May formal complaint ba sila na natanggap?


Tinanong namin ang isang lawyer tungkol sa nabanggit na insidente at ayon sa kanya, kung may complaint, puwede naman na sumama ang mga pulis pero exaggerated daw ang aksyon ng kampo ni Heart.


Idinagdag pa ng lawyer na puwedeng mag-file si Marian ng reklamo laban sa mga pulis kung nakaramdam siya ng takot sa naganap na insidente at kung ginamit na panakot sa kanya ang mga pulis.


***


Sa one-on-one interview namin kay Rufa Mae, ikinuwento nito ang kawalan ng malay sa mga nangyari sa arrival area dahil siya ang pinakahuli sa mga lumabas mula sa eroplano.


Pero naabutan niya sa airport luggage carousel ang mag-inang Cecile at Heart, pati na ang mga pulis na ipinakilala sa kanya na may iba’t-iba raw na ranggo. Nilinaw ni Rufa Mae na magpapa-picture pala ang ibang mga pulis sa kanya at sa mga artista na kasama niya sa Temptation Island.


Nang kumustahin namin ang kanyang lola na may sakit, sinabi ni Rufa Mae na lumabas na ng ospital ang matanda. Stage 4 ang colon cancer ng 86-year old grandmother ni Rufa Mae pero dahil sa pagpapagamot, iba na raw ang “stage” ng karamdaman ng kanyang lola.


Milyones ang nagastos ni Rufa Mae sa recent hospitalization ng lola niya kaya puro trabaho at hindi ang lovelife ang kanyang priority sa kasalukuyan. Itinanggi rin ni Rufa Mae ang balita na hindi na siya co-host ng Showbiz Central. Matagal na nawala si Rufa Mae sa Sunday showbiz oriented talk show ng GMA 7 dahil tinapos niya ang shooting ng Temptation Island.

***


Obvious namang nakarating kay Heart ang pahayag ni Marian sa presscon kahit nasa Brazil siya’t nag-i-enjoy sa mga pagkain. Ipinaha­yag niya ang kanyang damdamin sa mga tweets niyang sunud-sunod sa kanyang Twitter account na @heart021485.


“Why is it so unfair? Too much.”


“Someone...please do something if not I will have no choice.”


“I may not be on the same page with my mom 90% of the time but she is my mother so stop ba­shing her. If any lie is said...”


“With your info displayed then you will get what you deserve. Sobra na po talaga. Totally not fair anymore. This will be the last time.”


“I will tweet about this negative vibe. I am on a vacation and having a nice time and all I
ever wanted was to finally laugh since all I did was be silent and cry.


Tama na po. Let’s not be unfair. God bless and peace to all.”


After ng tweets ni Heart ang pagkain ng chocolate ng 7:00 a.m. ang inatupag niya at iba pang pagkain gaya ng pao de quiejo, huh!


source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment