Saturday, May 14, 2011

Mommy D naghahanda na para sa engrandeng b-day party


source: abs-cbnnews


Dahil nalalapit na ang kanyang kaarawan, todo ensayo na si Mommy Dionesia kasama ang kanyang dance instructor.

Ayon kay Pacmom, ito na ang pinakamahirap na tango na kanyang isasayaw.

“Ito na ang pinakahuli kong mga basics sa Argentine Tango. Sa simple lang na tango alam ko na,” sabi ni Mommy D.

Nagpa-beauty na rin si Pacmom. Kanina, nagpa-facial siya sa kanyang dermatologist.

Abala na rin ang organizers sa pagde-decorate ng Pacquiao Gym kung saan gaganapin ang birthday party ni Mommy D na tropical summer ang tema.

Pinuwesto na ang mga mesa at ang 8 kulay gintong pillars.

Pupunuin din ng mga bulaklak ang gym.

Tinatayang aabutin ng isang milyong piso ang gagastusin sa party ni Mommy D.

“Makakaabot po tayo ng...nasa 1,000 dozen po lahat ng flowers,” sabi ni Joven Recio, florist.

Gaya ng kanyang gown, kulay asul din ang 800 imbitasyon na ipinamigay sa kanyang mga kaibigan.

Kabilang sa mga imbitado sina dating Pangulong Joseph Estrada at comedy queen Ai-Ai Delas Alas.

Kasabay ng birthday party ni Mommy D ang victory party ni boxing superstar Manny Pacquiao.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment