Friday, May 20, 2011

Marquez pumirma na sa kontrata sa laban kay Pacquiao


source: abs-cbnnews


Pinirmahan na ni Juan Manuel Marquez ang kontrata para sa laban nila ni Manny Pacquiao sa November 12.

Ayon kay Bob Arum, $5 million ang guaranteed purse ni Marquez.

Bukod pa rito ang kikitain niya sa pay-per-view kung lalagpas ito ng 700,000 buys.

Kung manalo naman si Marquez, may $10 million guarantee pa siya para sa pang-apat na laban.

We signed Marquez yesterday. Absolutely! Yes [Manny agreed],” sabi ni Arum ng Top Rank.

Sa nakaraang laban nina Pacman at Mosley, tinutukan nang husto ni Marquez ang laban.

Nasa ringside siya noon bilang commentator ng ESPN EspaƱol.

Nauna nang sinabi ni Manny na payag siyang makabakbakan si Marquez.

Siguradong magandang laban iyan... kay Marquez,” sabi ni Pacquiao.

Ngayong gabi rin sa Los Angeles nag-meeting naman ang adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz at Bob Arum para i-negotiate ang terms and conditions para sa laban.

Ayon kay Koncz, tatlong oras tumagal ang dinner meeting.

Uuwi siya sa Maynila sa Linggo at ipi-present kay Pacman ang kontrata.

Nakasalalay pa rin naman kay Manny ang final decision kung papayag sa nilalaman ng kontrata.

Hindi ko pa nakausap si Bob Arum at hindi ko pa na-review ang contract for the fight,” sabi ni Pacquiao.

Dalawang beses na naglaban sina Marquez at Pacquiao. Ang una ay nagtapos sa draw at ang pangalawa ay ang kontrobersiyal na split decision para kay Manny.

Matagal nang hinihingi ni Marquez na makasagupa muli ang Pinoy boxing superstar.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment