Friday, May 20, 2011

Kris kinilala ang ka-date ni PNoy sa Hotdog concert


source: abs-cbnnews


Pinangalanan na sa diyaryo ang nakitang ka-date ng Pangulo sa reunion concert ng Hotdog -- si Bunny Calica na isa diumanong 27-anyos na teacher.

Ang source: ang bunsong kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.

Muli, tila walang nakinig sa pakiusap ng Pangulo sa media na gawing pribado ang kanyang love life.

That is my business. Baka puwede akong matrato na parang ordinaryong Pilipino kasi I feel there are times na my rights have been diminished,” sabi ng Pangulo.

Paano raw magbubunga ang love life ng 51-anyos na binatang Pangulo kung tututok ang camera habang siya ay may date.

Ilang beses na may maganda akong ibabalita ay ang ilalabas po nila ay love life ko. Tapos nakiusap ako na bakit naman love life ko ang pinapatulan niyo, ano ba ang halaga kung sino ang nililigawan ko,” sabi ni Aquino.

Depensa ng media, ang Pangulo na rin mismo ang nagbibigay ng dahilan para pag-usapan ang kanyang buhay pag-ibig nang siya mismo ang nagbigay ng palatandaan sa isang talumpati na wala na sila ng dating ka-date na stockbroker na si Len Lopez.

Ako po ay naghahanap pa ng palangga. Kadalasan po palanggana lang ang nadatnan natin,” sabi ni Aquino.

Can we also expect the President to stop mentioning his love life in his speeches and secondly, will he ask his sister also to stop talking because she (Kris) was the one being quoted sa diyaryo,” tanong ni Manila Standard Today reporter Joyce PeƱares.

In the first one, I will inform the President of that. For the second, I don’t know. That is a matter between the President and his sister,” sabi ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda.

Mula nang maupo sa puwesto, apat na babae na ang na-link sa Pangulo.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment