Wednesday, May 11, 2011

Jinkee, pantasya na rin ng mga kalalakihan!


source: abante


Hindi nga masyadong naging mainit ang usapan tungkol sa pagwawagi ni Manny Pacquiao laban kay Shane Mosley, dahil na rin sa malamig na sagupaan ng dalawa.

Hanggang ngayon ay dismayado ang mga Pinoy sa naging performance ni Shane at naniniwala sila na nagsiguro lang talaga si Mosley na mapapanatili nito ang kanyang image na hindi siya nana-knockout.


Pero, ang naging sentro ng usapan ngayon ng mga kalalakihan ay ang kagandahan ng misis ni Manny na si Jinkee. Nagulat nga ang mga kalalakihan sa nakita nilang itsura ni Jinkee ngayon.


Duda ng marami ay may ipinabago si Jinkee sa kanyang mukha. Pero lahat ay sila nagsasabing maganda ang pagkakagawa at bumagay ito sa misis ng boxing champ.


Mas lalo raw lumutang ang ganda ni Jinkee at mas naging class ang itsura nito. Kung dati raw ay hindi masyadong napapansin ang beauty ni Jinkee, ngayon ay marami na ang nagpapantasya sa kanyang alindog.


Sa pagbabago ng itsura ni Jinkee, hindi na raw masasabing identical twin sila ng kanyang kakambal.

Nu’ng ipakita nga si Jinkee sa kamera na katabi ang kanyang kakambal, hindi maitatangging malayo na ang itsura ni Jinkee sa kanyang kapatid.


Sigurado kaming flattered si Dra. Vicki Belo sa mga positive comments tungkol sa itsura ngayon ni Jinkee. Dahil ang kanyang clinic ang nag-aalaga sa itsura ng asawa ni Pacman.

source: abante

No comments:

Post a Comment