Friday, May 6, 2011

Dionesia gustong regalo ay milyon-pisong bag



source: abs-cbn


Relaxed na relaxed si Mommy Dionesia kahit ilang araw na lang, makikipagbakbakan na naman ang anak na si Sarangani Congressman Manny Pacquiao kay "Sugar" Shane Mosley.

Malakas at mabilis daw si Mosley. Pero para kay Mommy D, mas malakas naman daw siya sa Diyos. At pakikinggan nito ang kanyang Mother's Day wish na manalo ang anak.

“Marami nagsabi na, kahit sa balita, grabe si Mosley. Mosley? Malakas daw, sabi niya, pero walang imposible sa Panginoon. Hindi naman ako kinakabahan,” sabi niya.

Pagod si Mommy D sa paghahanda sa kanyang engrandeng 62nd birthday sa May 15.

Puno naman ng pananabik si Mommy D sa isusuot niyang bonggang gown sa party.

“Sabi nila, gagawin nating parang prinsesa ka sa birthday mo,” sabi ni Mommy D.

Kampante si Mommy D na muling magtatagumpay ang anak. Kaya ang bonggang balato at birthday gift na hihilingin nya kay Pacman, mamahaling bag.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ang hingiin ko sa yo, ibigay mo sa aking kaarawan, 'yung hindi ko pa nahawak, yung bag na Hermes.’ Sabi ni Manny, ‘Wow! Malaki ang hingi ni mama.' 'Uy, one million man yan,'" sabi ni Mommy D.

Tigil muna sa dance practice si Mommy D para paghandaan ang laban ng anak. Pero hindi siya manonood ng live na laban, dahil baka himatayin ulit siya sa nerbiyos.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment