Tuesday, May 17, 2011

Ciara, buwis-buhay sa pole dancing


source: abante.com.ph


Pangungunahan nina Ogie Alcasid at Ciara Sotto ang fund raising ng UP Mass Comm Alumni Association na “Pole The Love Of…” na magaganap sa Sabado, Mayo 21, sa Zirkoh Comedy Bar-Tomas Morato.

Siyempre, kung iparirinig ni Ogie ang malamig niyang boses sa kanyang mga hit songs, pasabog naman ang gagawin ni Ciara na pole dancing, huh!


First time gagawin ni Ciara sa Zirkoh ang buwis-buhay niyang performance na huli niyang pinamalas sa huling grand finals ng Talentadong Pinoy!


Bukod kina Ogie at Cia­ra, magpapasaya rin sina Jose at Wally, EB Babes, Julia Clarete, Masculados, Pretty Young Thing, at iba pa. Para sa tickets, tumawag sa 708-0994 o mag-text sa 0918-407-4172 at 0916-7678553.

source: abante.com.ph

No comments:

Post a Comment