Friday, May 6, 2011

Angel: Hindi pa kami mag-on ni Phil Younghusband


source: abs-cbn


Pag-ibig na sinubok ang katatagan, pag-ibig na isusugal ang lahat— iyan ang kuwento ng 18th anniversary offering ng Star Cinema na "In the Name of Love" sa May 11.

Sa grand press conference ng pelikula, ibinahagi nina Aga Muhlach at Angel Locsin ang hindi biro nilang mga eksena at dance sequences kung saan nag-pole dancing si Angel.

Marami rin silang nadiskubre sa isa't isa sa halos isang taong paggawa ng pelikula.

“Nakaka-pressure lalo kasi sanay ako sa actor’s cue. [Si Aga] hindi eh. 'Okay, ready.' Ako hindi pa ready. Kailangan kong humabol sa kanya, ganoon siya kagaling,” sabi ni Angel.

“Hindi siya natutulog. Parang aswang sa 'Imortal'. Sabi ko minsan mapagod ka naman para makapahinga tayo,” sabi naman ni Aga.

Dahil pag-ibig ang tema ng pelikula, nasentro sa love life ang press con.

Ikinagulat ni Jake ang tanong kung break na sila ng girlfriend na si Melissa Ricks.

“Wala pa namang break-up. Sa ngayon busy kami dalawa, priority namin ang career namin. Okay kami,” sabi ni Jake.

Diretsahan ring sinagot ni Angel kung mag-on na sila ng Azkals heartthrob na si Phil Younghusband, na sinasabing kasama niya sa kanyang birthday sa Hong Kong.

“Ay pasensya na po kayo, sobrang hindi po. Getting to know pa lang,” sagot ni Angel.

Trabaho daw ang prayoridad ni Angel.

Excited na rin si Angel na makakasama ang "In the Name of Love" para sa international screening sa Amerika.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment