Wednesday, April 20, 2011

Ruffa, kaaliw sa ‘Bulaklak’


source: abante


Bukod sa Babaeng Hampaslupa, sinusubaybayan na rin namin ang Mga Nagbabagang Bulaklak dahil malaki na ang improvement ng programa.

Kung ang Temptation Island ang itinuturing na “campy movie”, ang Mga Nagbabagang Bulaklak ang “campy drama series” dahil sa mga nakakaaliw na eksena ng mga bidang artista.


Ang mga performance nina Ruffa Gutierrez, Valerie Concepcion, James Blanco, Richard Gomez at Phillip Salvador ang ilan sa mga dahilan kaya pinapanood namin ang Mga Nagbabagang Bulaklak.


Magaganda ang mga crispy dialogue ni Ruffa at hilarious ang mga eksena nina Phillip at Valerie. Sa tunay na buhay, magaling na dancer si Phillip pero hindi sanay ang televiewers na makita siya na sumasa­yaw dahil nabuo sa isip nila ang kanyang pagiging serious actor.


Tungkol sa buhay ng mga artista at mga pangyayari sa isang TV show at network ang kuwento ng Mga Nagbabagang Bulaklak. Totoong nagaganap sa tunay na buhay ang mga eksena ng TV5 drama series kaya imposible na hindi nakaka-relate ang mga artista, production staff at executives ng mga local TV station.

source: abante

No comments:

Post a Comment