Sunday, April 3, 2011

PACQUIAO LUMIPAD NA


source: abante


Lumipad na kagabi patungong Los Angeles, California via Philippine Airlines si Filipino ring icon at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.

Hindi na nag-ensayo ang Pambansang Kamao kahapon. Sa halip nagpahinga na lamang ito at naghanda sa may 14 oras na biyahe.


Nagpahinga na lang, kasi by Monday, ituloy na agad namin ang ensayo sa Wild Card,” sambit ng boksingero habang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan sa ginanap na send-off party sa Pan-Pacific Hotel.


Dapat sana’y isparing kahapon, pero minabuti nitong kanselahin, pati ang buong ensayo.


Ok lang naman kasi sa LA tiyak na wala nang hinto ang ensayo,” dagdag pa ng 32-anyos na kongresista.


Kasamang umalis ni Pacquiao sina chief trainer Freddie Roach, conditioning trainer Alex Ariza, assistant Buboy Fernandez, adviser Mike Koncz, ang asong si Pacman at iba pang miyembro ng Team Pacquiao.


Si Pacquiao ay naghahanda para sa kanyang May 7 showdown kay Shane Mosley sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.


Noong Martes ay sumalang na rin ang pound-for-pound king sa isparing kina David Rodela at Shawn Porter, gayundin noong araw ng Huwebes.


We’re on the right track,” komento ni Koncz. “Manny will be in top shape for this fight.”


Mag-eensayo si Pacquiao sa Los Angeles hanggang Mayo 2 at tulad ng dati, matapos ang ensayo kinahapunan ay bibiyahe na patungong Las Vegas ang buong tropa at doon na tatapusin ang paghahanda.


Nakataya sa 12-round showdown ang WBO welterweight belt ni Pacquiao.


source: abante

No comments:

Post a Comment