Friday, April 15, 2011

Cristine, game na game kay Derek! Sarah at Cristine, komportable na sa isa’t isa


source: abante


Final­ly ay humarap na si Cristine Reyes sa entertainment press pagkatapos ng awayan nila ni Sarah Geronimo, na nagbati rin naman sa isang episode ng ASAP Rocks.

Ang young actor na si Rayver Cruz ang dahilan ng sigalot ng dalawang Viva artists na boyfriend ngayon ni Cristine.

Although si Carlo Aquino ang kapareha ni Cristine sa upcoming Viva movie na Tumbok, hindi naman naging maramot si Cristine sa pagsagot ng mga tanong ng press tungkol sa boyfriend niya ngayon.


Unang tanong nga namin kay Cristine, ano ang reaksiyon ni Rayver sa halikan nila ni Carlo sa Tumbok?


“Wala namang binabawal sa akin ‘yon pagdating sa work. Very understanding siya sa lahat,” sagot ni Cristine.


Paano niya ide-describe ang relasyon nila ni Rayver ngayon matapos ang pinagdaanan nilang kontrobersiya?


“Steady lang! Okey naman,” matipid niyang sagot.


Ano sa palagay niya ang meron sa relasyon nila ni Rayver at matatag pa rin ito?


“Siguro, pareho kaming nagkakaintindihan! Pareho kaming open.

Pareho naming hindi sinasakal ang isa’t isa! Parang ang laki ng tiwala namin sa isa’t isa,” sey niya.


Sa nakaraang relasyon ba niya, hindi ganoon?


“Huwag na nating pag-usapan ang past!” tanggi niya.


Malaking bagay ba sa relasyon nila ang pagiging open nito sa publiko?


“Ahhh, oo! Para walang tinatago pag may nagtanong. Walang nagdidenay. Mas maganda. Pero not naman super open. Siyempre kailangan din naman ng konting privacy. Para sa amin na rin ‘yon,” katwiran ng kapatid ni Ara Mina.


Hindi ba niya hiniling na makapareha sa movie si Rayver?


“Meron na kami. Nagkaroon na kami ng soap sa Kristine. Kung bibigyan kami ng movie, puwede rin!” sagot niya.


Paano niya idi-describe si Rayver bilang boyfriend?


“Basta lahat ng positive, nasa kanya na! Para tapos! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.


Walang selos-selos sa kanila?


“Wala! Wala akong makitang negative doon, eh! Ha! Ha! Ha!


“‘Yung pinaka-negative doon ‘yung.. Wala. Lahat positive!” sey niya.


Hindi siya nagseselos kay Rayver?


“Nagseselos-selos, pero hindi ‘yung selos na pinag-aawayan,” chika ni Cristine.


Paano magselos si Rayver?


“Nagdyu-joke lang! Ganoon. Hindi seryoso,” bulalas niya.


Pagdating sa bagong series, si Derek Ramsay naman ang makakasama niya. Ready na ba siyang matsismis dito?


“Ready na! Joke! Ha! Ha! Ha!” biro niya.


Balitang sila lang ang lovers sa series ni Derek. Ayaw ba niyang magkaroon ng love triangle?


“Ha! Ha! Ha! Ayoko! Ha! Ha! Ha!” halakhak ni Cristine.


Kung magkaroon ba sila ng love scene ni Derek, ipagpapaalam niya kay Rayver?


“Hindi ako nagpapaalam sa kanya. Kasi hindi naman ako gumagawa ng sobrang solid na love scene.

Kaya siguro hindi ko na pinapaalam. Saka....Hindi ko na kailangang ipagpaalam!” rason niya.


Kumusta naman ang Twitter account niya. Parang hindi na yata siya active, huh?


“Hindi! Nagtu-Twitter pa rin ako! Actually, ganito ‘yan. Hindi ko inu-open ‘yung Twitter. Nagpi-Facebook ako sa fan page ko. Ngayon, pag nag-status ako sa Facebook ko, dumidiretso sa Twitter ko. So hindi ko na kailangang i-open,” paliwanag ni Cristine.


Eh, ‘yung pagbabati nila ni Sarah, kumusta naman sila?


“Ahh, lagi na lang tinatanong ‘yan! Baka sabihin, ginagamit sa movie. Ayoko ng negative, ‘di ba?” tanggi niya.


Eh, kumusta sila pag nagkikita sa ASAP?


“Komportable naman kami sa isa’t isa! Magkahiwalay naman kami ng dressing room at hi, hello lang ‘pag nagsasalubong! Tama na ‘yon!” pakiusap ni Cristine.

source: abante

No comments:

Post a Comment