Monday, April 18, 2011

BATANG AKTOR NA SI AJ PEREZ PATAY NA.


source: abante


Dead on arrival sa Rios Valentine Hospital ang young actor na si AJ Perez o Anthony Joseph Perez sa tunay na buhay habang suga­tan ang lima pang kasama nito sa Nissan Urban van na sinasakyan ng mga ito na bumangga sa kasalubong na bus sa McArthur Highway, San Julian, Tarlac.


Sa report na natanggap nito mula sa PNP Moncada, Tarlac, nangyari ang aksi­dente sa kahabaan ng McArthur Highway, sa San Julian, Tarlac kung saan pinilit umanong nag-overtake ng Nissan Urban na may plate number PIG-630 na nakare­histro sa ABS-CBN broadcas­ting company at minamaneho ni Christopher Bautista, 35-anyos, ng Manggaan, Quezon City, sa sinusundang 10-wheeler truck na may plate number AEM-153 na minamaneho ng isang Floren Agradi, 48, ng Nangalisan, Laoag City sa bahagi ng south bound.

Subalit ‘di natantiya ng kasalubong na tsuper ng Partas Bus na may plate number UVA-880 na minamaneho ni Julie Brillantes, 44, ng Patuccanay, Benguet, regular driver ng Partas Transport Corporation, na tinatahak naman ang bahagi ng north bound.

Bukod sa nasawing aktor ay sugatan naman ang lima pa nitong kasama sa van kabilang ang driver na si Bautista, ama ng nasa­wing aktor na si Gerardo Perez, sina Cristina Ferrer, Edwin Pitilos at Dany Dunga na ngayon ay pare-parehong nasa Rios Valentine Hospital.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga pasahero ng Partas Bus.

Sinasabing si Perez ay galing sa isang show sa Dagupan City at papauwi na ng Maynila nang mangyari ang aksidente. Dalawang regular show ang maiiwan ni Perez sa ABS-CBN.

Mahaharap naman sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide, Multiple Injury and Damage to Property ang driver na si Bautista.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang Mala­caƱang sa Perez family.

source: abante

No comments:

Post a Comment