Saturday, April 2, 2011

Angelica, itinangging hiwalay na sila ni Derek


source: abs-cbn


Hindi umuurong at aminadong matalas magsalita ang sexy star na si Angelica Panganiban.

Sa Internet, hindi matapus-tapos ang mga kontrobersya kay Angelica.

Mula sa samu’t saring photo scandal, magkasunod na iringan kontra Gretchen at Claudine Barretto, at ang kontrobersyal na patutsada niya kontra Azkals heartthrob na si Phil Younghusband sa Twitter na nauwi sa awayan kontra sa fan ng football team... Naniniwala si Angelica, mayroon talagang gustong umatake sa kanya.

Pinakahuling intriga ang hiwalay na raw sila ng boyfriend na si Derek Ramsay.

Nagsimulang kumalat ang isyu ng hiwalayan noong Linggo matapos umanong makitang may kasamang babae si Derek sa Dumaguete.

Pero si Angelica, imbes mainis ay may pang-inis sya sa nagpapakalat ng intriga.

Oh yes, kaya mamatay talaga sila sa inggit. I’m sure na ang mga gumawa niyan ay naglalaway na. Ano kayang next na gagawin natin? Ay sorry, payaman kami nang payaman at painit nang painit dahil sa ginagawa nila,” pang-aasar ni Angelica.

Nagdesisyon din ang aktres na itigil na ang pagpo-post ng mensahe sa Twitter.

Hindi na ako nag-twi-Twitter. Dahil siguro surrounded na siya ng mga taong hindi educated. Sabi ko nga na isa akong nilalang na marunong mag-isip so hindi ko na ka-level ang Twitter,” paliwanag ng aktres.

Sa samu’t saring kontrobersyang ibinabato sa kanya, pinagtibay na ang kalooban ng dating child star na sanay nang sumagot at lumaban sa intriga.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment