Sunday, April 3, 2011

16 guro, estudyante dinukot sa Agusan del Sur

source: abs-cbn


Dinukot ng isang armadong grupo ang 16 na katao sa Barangay La Purisima, Prosperidad, Agusan Del Sur kahapon.



Kasama sa mga biktima ang 14 na guro at sibilyan, at 2 ang estudyante. Dumadalo lamang sila sa graduation ceremony nang mangyari ang insidente.

Nasa likod umano ng pagdukot ang Perez grupo na hinihiling na mapalaya ang kaanak na si Ondo Perez.

Nakulong si Ondo matapos ding mang-hostage noong Disyembre 2009.

Patuloy ang Crisis Management Committee sa pakikipag-ugnayan sa grupo para mapakawalan ang mga biktima.

Nagpahayag naman ng pagkabahala ang Department of Education at mga residente.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment