Thursday, March 31, 2011

Sarah, nilinaw ang pagkakaugnay sa anak ni Gov. L-Ray Villafuerte


source: abs-cbnnews


Lalong pinatingkad ng Lake Taal ang ganda ni Sarah Geronimo sa latest music video niyang "Wish" katambal ang Spanish-Pinoy na si Anton Alvarez. Revival ito ng 1997 hit song nina Donna Cruz at Jason Everly.

Nasa alapaap pa rin sa saya si Sarah sa patuloy na pagtabo sa takilya ng “Catch Me, I'm in Love.”

Inaayos na raw ang susunod nilang team-up.

"Nakakatuwa po 'yun if ever po man matuloy. We would gladly do it po para sa mga sumuporta," sabi ng Pop Princess.

"Ang galing nga, eh, kahit hindi kami nag-workshop ni Gerald. Siguro nagkagaanan na rin ng loob. May kilig," biro pa niya.

Bago ito, timeout muna para magbakasyon si Sarah sa Los Angeles sa Amerika at Monaco sa Abril kasama ang kanyang pamilya.

Mag-aaral din siya ng Advanced Performing Arts sa US.

Samantala, nilinaw na ni Sarah ang pagkaka-link sa 22-anyos na anak ni Camarines Sur Governor L-Ray Villafuerte na si Miguel na estudyante ng Political Science sa New York.

"Hindi ko pa po siya nakikilala pa po sa personal. Nagpapasalamat lang po ako sa appreciation. Thank you for the flowers," aniya.

Pasasayahin din ni Sarah ang ating kababayan sa international concert tour nila ni Martin Nievera ngayong summer.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment