Monday, March 21, 2011

“A part of me died with you (John Apacible). Para akong tinanggalan ng dalawang paa…” – Anna Leah Javier

source: abante


A part of me died with you,” ang napakalungkot na pahayag ni former Viva Hot Babes member Anna Leah Javier sa senseless death ng kanyang boyfriend, ang aktor na si John Apacible na namatay dahil sa dalawang tama ng bala sa dibdib.

Ang 61-year old uncle ni John na si Armando Rustia ang tinuturong suspect sa pagpatay kahapon kay John sa compound ng kanilang bahay sa Greenland Subdivision, Barangay San Juan, Cainta, Rizal.

Ayon kay PO3 Rogelio De Dios ng Cainta Police, patay na si John nang isugod ito sa Metro Rizal Doctor’s Hospital.
Tumanggi si PO3 De Dios na magbigay ng ibang detalye dahil hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon, pero kinumpirma niya na 3am nang maganap kahapon ang insidente na tumapos sa buhay ng 38-year old actor na napapanood sa Minsan Lang Kita IIbigin ng ABS-CBN.

Kabilang si Anna Leah sa mga nagpadala ng text message tungkol sa nangyari kay John.
Aniya, “John Apacible left us already. He was shot at 3am by his own uncle during a drinking spree.”

Naka-post din sa Facebook account ni Anna Leah ang kanyang pagdadalamhati sa untimely demise ni John: “Eight long years Bi, walang closure because love is still strong. Eight years na akala ko madudugtungan pa ng lifetime. I don’t understand exactly. Painful na mawalan pero mas masakit pala mawalan na alam mong hindi na babalik pa. Para akong tinanggalan ng dalawang paa...A part of me died with you...”

Naintindihan namin ang pinanggagalingan ng malungkot na message ni Anna Leah nang ikuwento ng kanilang mga kaibigan na halos isang taon na silang hiwalay ni John pero magkaibigan pa rin sila.

***

Enrique Rustia Apacible ang tunay na pangalan ni John at nagsimula ang kanyang acting career noong 1996 sa pelikulang Nights of Serafina. Si Ces Evangelista ang dating manager ni John at ayon sa kanya, dating pulis ang ama ng aktor at namatay din noon dahil sa tama ng baril.

Aurora Rustia ang pangalan ng ina ni John at kapatid nito ang bumaril sa kanya. Tiya ni John si Benigna Ninay Rustia na dating runner up sa Miss RP Contest noong dekada ‘70.
source:

No comments:

Post a Comment