Monday, March 21, 2011

Matteo, matindi ang paghanga kay Sarah!

source: abante


Sa March 26 pa ang ika-21st birthday ni Matteo Guidicelli, pero last Saturday ay binigyan na siya ng birthday presscon ng Swatch owner na si Ms. Virgie Ramos.

Bale, tulong na rin `yon ni Ms. Virgie kay Matteo para magkaroon ng bonggang publicity para sa pelikulang Catch Me… I’m In Love, ng Star Cinema. Sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ang kasama ni Matteo sa naturang pelikula.

“I started as a kart racer then Joji Dingcong took me to meet Tita Virgie. He had me wear a pink shirt and had my hair straightened.

“I wasn’t feeling very comfortable with my look… but somehow, I managed it. Then after a few weeks, I had my first shoot with Swatch at the racetrack which was an unforgettable experience.

“After that, Tita Virgie and I became super close. I won the Philippine Championship and Tita Virgie organized this big party for me at the Glorietta store. She’s super supportive. She became a second mom to me,” sey ni Matteo.

Nu’ng Sabado na nakaharap namin si Matteo ay sunud-sunod ang schedule niya. After ng birthday presscon na `yon ay kinailangan niyang pumunta agad sa mall tour nila nina Sarah at Gerald, at after that ay kailangan niyang mag-dubbing para sa movie pa rin nila nina Sarah at Gerald.

Ikinuwento nga pala ni Matteo na ang lakas ng kaba niya nu’ng una silang magsama sa isang camera ni Sarah. Halos matulala raw siya, dahil hindi raw niya akalain na ang idol niya ay makakasama niya sa isang pelikula.

Buong ningning ngang inamin ni Matteo na matindi ang paghanga niya kay Sarah. Dalawang beses daw niyang pinanood ang show nito, ang isa ay sa Cebu, at ang isa ay sa Batangas.
Si Billy Crawford daw ang gumawa ng paraan para makilala niya si Sarah.

“Sobrang bait niya. Blessing talaga na makasama ko siya sa isang movie,” sey ni Matteo.
“At first, nahiya talaga ako sa kanya. Kinabahan ako. Idol ko nga kasi siya. Pero, dahil sobrang bait niya, nawala `yung kaba ko.

“Sa set, para siyang one of the boys, na kahit nagkukuwentuhan kaming mga boys , lumalapit siya, nakiki­pagkuwentuhan. Makikita mo talaga na sobrang clean ng mind niya, na wala siyang malisya sa utak niya.

“Ang sarap niyang kasama,” say pa rin ni Matteo.
Puring-puri rin ni Matteo ang parents ni Sarah, lalo na si Mommy Divine, na madalas daw nitong kasama sa syuting.

Eh, boto naman kasi si Mommy Divine sa iyo, para kay Sarah, sabi ng mga manunulat kay Matteo.
Napangiti muna si Matteo, sabay sabing, ‘mabait talaga si Mommy Divine’.

Siyanga pala, makakasama rin ni Matteo sa indie film si Maja Salvador, at si Kim Chiu naman ang susunod niyang makakapareha sa teleserye ng ABS CBN na Binondo Girl.

source: abante

No comments:

Post a Comment