Tuesday, March 29, 2011

Marian, nami-miss ng ex-dyowang si Ervic

source: abante


Kaswal at kalmado na ngayon si Ervic Vijandre kapag tinatanong tungkol sa ex-girlfriend niyang si Marian Rivera.


Anyway, sa presscon ng Captain Barbell, buong ningning na inamin ni Ervic na pitong taon din umabot ang relasyon nila ni Marian. At isa sa magagandang alaala na naiwan sa kanya ay ang pag-­aalaga raw nila ni Marian sa isa’t isa noon.


Kinuwento ni Ervic na mahusay raw magluto si Marian. Nu’ng sila pa raw ay madalas siyang ipinagluluto nito.


At kahit medyo busy na raw si Marian noon, binibigyan pa rin daw siya ng time nito. At kapag pagod daw si Marian ay siya ang nag-aalaga sa aktres. Sabi nga ni Ervic, wife-material si Marian.


Inamin ni Ervic na mahirap na ring mabura sa buhay niya ang naiwang alaala ng relasyon nila ni Marian. U­nang-una, 15-years old pa lang daw siya nu’ng maging sila. Kumbaga, sabay raw silang nagbinata at nagdalaga ni Marian sa relasyon nila.


Kaya raw nu’ng una silang magkita ni ­Marian sa studio ng GMA 7 matapos silang mag-break, nanlamig ang buong katawan niya at pinagpawisan siya nang husto.


Ngayon ay loveless si Ervic at matagal na raw silang hiwalay ng girlfriend niyang si Aifah ng Sex Bomb.

At hindi raw maiwasan na ma-miss niya si Marian ngayon.


Inamin ni Ervic na lagi niyang naikukumpara si Marian sa mga nakaka-date niya. Doon daw lumalabas ang magagandang katangian ni Marian.


Anyway, wala pang maibigay na scenario si Ervic sa sandaling muli silang magkita ni Marian. Pero sigurado raw siya na babatiin niya uli ito.


Samantala, ilang beses na raw niyang nakita si Dingdong Dantes, pero hindi raw niya ito malapitan at mabati dahil wala naman daw siyang dapat sabihin sa aktor.


Hayagan ang pasasalamat ni Ervic kay Dingdong dahil nakikita raw niya na masaya si Marian sa piling nito. Kahit hindi nakikita ni Ervic, alam niyang inaalagaan at minamahal talaga nito si Marian.

source: abante

No comments:

Post a Comment