Monday, March 21, 2011

Juday, pipiliting pumayat!

source: abante


Finally ay nagpakita na si Judy Ann Santos sa press, matapos ang matagal na panahong pahinga, dahil na rin sa panganganak niya kay Lucho.

Medyo mabigat pa rin ang weight ni Juday nang humarap siya sa showbiz press para sa promo ng bagong endorsement nila Yohan, ang Lactum.

Medyo nagulat lang ang lahat dahil after 6 years ay ipinakita na niya si Yohan sa publiko at sa komeryal pa ng Lactum. Napapayag daw ng Mead Johnson si Juday na tanggapin ang Lactum dahil gusto ito ni Yohan.

Ang pamantayan kasi ni Juday sa pagtanggap ng endorsement ay kailangan gusto at ginagamit nila ang produkto. Ayaw raw niyang lokohin ang publiko.

Anyway, ­nagpasabi naman pala si Juday ahead of time na hindi siya makakasipot sa finals ng Talentadong Pinoy ng TV5. Nagkataon pala na sa araw na iyon ay gra­duation ng anak na si Yohan at bilang ina ay kailangang nanduon siya.
Naintindihan naman daw ng mga taga-TV5 `yon.

Sa March 31 nga pala magsisimula sa ere ang Junior Master Chef at may naka-line up na pelikulang pinagpipilian ang aktres ngayon. Kaya pipilitin daw niyang magpapayat para sa pag-appear niyang muli sa TV.

source: abante

No comments:

Post a Comment