Tuesday, March 29, 2011

Isparing ni Pacquiao sisimulan NO MORE FUN




Tapos na ang pagsasaya, ang pagpupuyat. Kailangan nang harapin ang mas seryosong ensayo.

Ngayong hapon ay sisimulan na ni Filipino ring icon Manny Pacquiao ang isparing para sa pinagha­handaang May 7 fight kay Shane Mosley.


Suot ang headphone, seryosong isinasagawa ni Manny Pacquiao ang isa sa mga routine exercises niya tuwing umaga bilang bahagi ng paghahanda kay Shane Mosley. (AP)

Sasalang si Pacquiao sa apat hanggang anim na rounds ng isparing ngayon sa Shape-Up gym na nasa Cooyeesan Hotel sa Baguio City, laban kina long-time sparring partner David Rodela at Shawn Porter.


Bumaba mula sa Summer Capital si Pacquiao, kasama si trainer Freddie Roach at assistant Buboy Fernandez noong Huwebes, at dumalo sa Elorde Awards kinabukasan ng Biyernes.


Dahil medyo hatinggabi na natapos ang okasyon, hindi nakapag-jogging ang Pambansang Kamao noong Sabado ng umaga at nabigo ring mag-report sa Elorde gym kinahapunan dahil nagtutulog ito.


Pero noong Linggo, tulad ng iskedyul, bumalik sa Baguio si Pacquiao at kahapon ay maaga na itong nakabangon para mag-jogging.


Inaasahan ni Roach na masasalang sa matin­ding isparing ang kanyang prized-fighter, kaya’t dapat lamang aniyang handa ito.


“He better be ready, because am sure those guys (sparringmates) will gonna give him hell of sparring,” ani Roach.


Pagkatapos ng isparing ngayon, inaasahang may dalawa pang iskedyul si Pacquiao, isa sa Huwebes at sa Sabado (Abril 2),bago lumipad patungong Amerika kinagabihan. Ito ay kung walang mababago sa plano at kung walang ibang komitmen ang boxer.


Pagdating sa Amerika, itutuloy ni Pacquiao ang masusing ensayo, kung saan may isa pang inihandang kaispar si Roach.

source: abante

No comments:

Post a Comment