Wednesday, March 23, 2011

Dating vice mayor sa Batangas, patay sa ambush

source: gmanews


Binawian ng buhay sa ospital ang dating vice mayor ng Alitagtag sa lalawigan ng Batangas matapos itong pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek nitong Miyerkules ng umaga.



Ayon kay Supt. Arcadio Ronquillo, tagapagsalita ng Batangas police, dakong 11:40 a.m., namatay habang nilalapatan ng lunas sa Taal Polymedic Hospital si dating Alitagtag vice mayor Noriel A. Salazar, 49-anyos.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Ronquillo na sakay ng kanyang Toyota Lite Ace van si Salazar nang barilin ito ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo dakong 8:45 a.m. sa Brgy Poblacion East, Alitagtag.

Nagtamo ng isang tama ng bala mula sa cal. 45 na baril sa ulo ang biktima at isinugod sa Taal Polymedic Hospital.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay. Magkakaroon din ng artist sketch para sa isang suspek na namukhaan umano ng isang saksi.

Napag-alaman na tumakbong alkalde sa nakaraang May 2010 elections ang biktima, at posibleng nagkaroon umano ito ng mga kaaway, ayon sa pulisya.

source: gmanews

No comments:

Post a Comment