Pinagtibay kahapon ng Estados Unidos ang kasunduan sa pagitan nito at ng Pilipinas na pagkakaloob ng ‘military aide’, kasama ang mga equipment at armas, ang huli kung kakailanganin nito para idepensa ang sarili laban sa mga dayuhang puwersa.
Ang pagpapatibay sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng US at Pilipinas ay isinatinig kahapon ni US Secretary of State Hillary Clinton sa ginawang pakikipag-usap kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na bumibisita sa Washington DC.
Nakasaad sa treaty na “each Party recognizes that an armed attack in the Pacific Area on either of the Parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in accordance with its constitutional processes.”
Tinalakay rin ng dalawang kalihim ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea (South China Sea) at nagbahagi ng mga pananaw ang magkabilang panig na ang umiinit na tensyon ay dahilan para tutukan ang problema upang masiguro ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.
Ilan sa mga hakbang na handa umanong gawin ng Estados Unidos para sa Pilipinas, ayon kay Clinton, ay pagkakaloob ng “much-needed hardware” para i-upgrade ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Labis namang ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling mga kataga ni Clinton sa pagsasabing, “The reiteration of our treaty partnership with the United States and a way forward where all nations can cooperate to their common benefit is timely. The administration continues to work with partners like the United States to accomplish enduring, inclusive growth for ourselves and to be a voice of stability and responsibility in the region,” ani presidential spokesman Edwin Lacierda.
Hindi naman nagustuhan ni Sen. Gregorio Honasan ang tila pagmamaliit ng Pilipinas sa sarili at lantarang panghihingi ng tulong sa Amerika. “Hindi makakatulong ang self-flagellation o panlalait sa sarili pati ang paghingi natin ng tulong sa US,” giit ng senador sabay giit na panahon na para pulungin ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang DFA, Department of National Defense (DND) at Department of Finance (DOF) para bumuo ng kongkretong mga plano at hakbang imbes na hayaang magsalita sa maselang isyu ang mga alipores sa Malacañang na walang kasanayan sa usaping ito.
Batikos naman ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa bagong pangakong tulong military ng US, “This is proof that the VFA has been around for over a decade has not served our purposes.”
Kapwa naman naniniwala sina Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. na hindi na kailangan ang pagpapakita ng muscle ng US sa usapin para saklolohan ang Pilipinas sa sinasabing pambu-bully ng China.
Dahil ang tanging kalutasan umano ng tensyon sa Spratlys ay wala sa armadong pagbabanta kundi sa diplomatikong pag-uusap lang.
“What is needed to calm down or resolve the situation in the South China Sea is diplomacy, not sabre rattling,” ani Marcos.
Naniniwala naman si Pimentel na, “ASEAN was designed for the ten nations to help one another and I am sure that even if some of the ASEAN also claim the Spratlys, they don’t war over that piece of rock.”
source: abante
Saturday, June 25, 2011
U.S. SA PINAS: AARMASAN NAMIN KAYO!
source: abante
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment