source: abante
Bumutas ng 33 points si Peter June Simon para akayin ang B-MEG sa pagmumog sa Powerade, 103-90, at umentra sa win column ng PBA Governors’ Cup eliminations sa Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.
Nakabawi sa 82-95 loss sa lider na Rain or Shine (2-0) noong Sabado sa Tacloban City Convention Center sa Leyte, tumabla sa panlima hanggang pang-anim na puwesto ang Llamados at itinulak sa kulelat sa barahang 0-2 ang biktima.
Dumistansya ang kampo ni coach Jorge Gallent ng 15 points sa game at napababa sa anim ng Powerade mula sa basket ni Chris Porter, 88-94, may 1:46 na lang sa gameclock ang nalalabi.
Pero iyon na ang huling sigaw ng Tigers ni Dolreich Perasol na mas naging masaklap pa ang olat na ito mula sa 12-point loss (80-92) sa Barangay Ginebra sa Cuneta Astrodome sa Pasay City noong Linggo.
Nakahugot pa ang Llamados ng 21 markers kay Joe Devance sa pangalawang game niya matapos maka-14 sa debut mula sa trade kung saan mula sa Alaska Milk ay dumaan sa Air21 bago napadpad dito. May 14 pa si James Yap .
Apat sa Tigers ang may twin digits sa pamamagitan nina Chris Porter na nalimitahan ni Simon sa 17 tapos sumabog ng 36 sa opener. May 13, 12 at 11 sina Mark Macapagal, Sean Anthony ar Chico Lanete, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ang scores:
First game
B-Meg 103 -- Simon 33, De Vance 21, Yap J. 14, Hannah 8, Allado 8, Yap R. 7, Gaco 6, Pingris 4, Villanueva 2, Fernandez 0.
Powerade 90 -- Porter 17, Macapagal 13, Anthony 12, Lanete 11, Quinahan 9, Calimag 8, Gonzales 8, Allera 5, Reyes R. 4, Cruz 3, Reyes J. 0, Rizada 0, Espino 0.
Quarters: 20-33, 49-48, 74-64, 103-90.
source: abante
No comments:
Post a Comment