source: abante
May bagong trip ngayon ang mga kabataan sa kanilang pagpa-party at ito ay ang ‘Rainbow Party’ na tunay umanong nakakaalarma. Bunga nito ay kinalampag ng isang kongresista ang mga magulang na huwag masyadong maging maluwag sa kanilang mga anak, lalo na sa mga ‘out-of-town’ na mga happening.
Ayon kay Iloilo Rep. Janette Garin, may natanggap siyang impormasyon na mga kabataan ang naloloko ngayon sa tinatawag na ‘Rainbow Party’ kaya napapariwara ang mga ito.
“Parents should check the activities of their teenagers outside home,” pahayag ni Garin dahil bagong trip umano ng mga kabataang ito na lubha aniyang nakakabahala.
Base sa impormasyong nakarating umano sa mambabatas, ang tinawag umano ng mga kabataang ito na ‘Rainbow Party’ ang kanilang ginagawa kung saan nagkikita-kita umano ang mga ito sa isang lugar para mag-party.
Nabubuo umano ang grupo ng mga kabataang ito sa mga pamamagitan ng text. “Mostly out-of-town ginagawa ang kanilang party. Malayo sa kanilang mga parents,” ani Garin kung saan hindi simpleng party ang ginagawa ng mga ito kung mangolekta ng mga used condom.
“Paramihan sila ng used condom. Kaya rainbow, dahil iba’t ibang kulay ang kanilang kinokolekta,” pahayag ni Garin subalit hindi lang malinaw kung ano ang premyo ng mga may pinakamaraming koleksyon.
Ayon kay Garin, indikasyon ito na hindi pa man naipapasa ang Reproductive Health (RH) bill ay mulat na mulat na ang mga kabataan sa paggamit ng condom lalo na’t madaling mabili ito sa mga counter lamang.
“This only shows na mali ang sinasabi ng anti-RH group na ie-expose natin ang mga kabataan sa condom use. I think, nangyayari ‘yan kasi our teen-agers don’t know their responsibility. They should be thought what responsibility means,” ayon sa kongresista.
Naniniwala ang mambabatas na kung may sapat na edukasyon ang mga kabataang ito hinggil sa pangangalaga sa kanilang katawan ay hindi mangyayari ang ganitong uri ng party sa kanilang hanay.
source: abante
No comments:
Post a Comment