Saturday, May 28, 2011

Chedeng palayo sa umpisa ng tag-ulan

source: abs-cbnnews


Si Chedeng ay kasalukuyang nasa dagat 160 kilometers southeast of Basco, Batanes.

Patuloy ang paglabas sa bansa ni typhoon Chedeng na lalo pang lumakas sa 195 kilometers per hour at pagbugso o gustiness na 230 kilometers per hour.

Hagip pa rin ng buntot nito ang ilang lalawigan kaya tuloy po ang ating pag-iingat.

Nakataas ang signal number 3 sa Batanes Group of Islands.

Nakataas ang signal number 2 sa Babuyan Islands at signal number 1 naman sa Apayao, Cagayan at Isabela.

Habang papalayo si Chedeng patuloy niyang hihigupin ang habagat na magdadala ng ulan sa buong Luzon kasama na ang Metro Manila.

Maulap din at uulan lalo sa hapon sa Visayas.

Mostly cloudy din at malaki ang posibilidad ng ulan sa buong Mindanao.

Mananatili si typhoon Chedeng sa loob ng Philippine Area of Responsibility hanggang Saturday night or Sunday morning.

Samantala, sa paglayo sa bansa ni Chedeng ay may bagong low pressure area na binabantayan ang PAGASA sa South China Sea na maaaring mabuo at maging bagong bagyo.

Kung mabuo ang bagyo, ang pangalan nito ay bagyong Dodong.

Samantala, pormal na inanunsyo ng PAGASA ang opisyal na simula ng tag-ulan o rainy season.

Heto ang criteria kung kailan ang simula ng rainy season:

Ang unang criteria ay ang patuloy na pag-ihip ng habagat o southwesterly wind. Noong isang linggo ay pabugso-bugso pa ito ngunit dahil sa higop ni bagyong Chedeng, tumuloy-tuloy na ang ihip ng habagat.

Ang pangalawang criteria ay kailangan umabot sa 25 millimeters ang ulan na masusukat sa loob ng 5 araw. Ayon sa mga PAGASA station sa buong bansa, abot 25 millimeters na po ang tubig.

Ikatlong criteria, kailangan ding patuloy ang pag-ulan sa loob ng 3 araw na non-stop tulad nitong nararanasan ngayon sa maraming lugar.

Sinusukat ang ulan gamit ang mga instrumento tulad ng rain gauge at tipping bucket sa 8 PAGASA weather station.

As scheduled, sa huling linggo ng Mayo o unang araw ng Hunyo dumarating ang official rainy season.

Tapos na ang summer at nandito na ang ulan kaya’t ihanda na ang kapote at payong.

source: abs-cbnnews

No comments:

Post a Comment