source: gmanews
Isinugod sa ospital ang beteranang aktres at dating beauty queen na si Pilar Pilapil matapos na magtamo ng maraming saksak sa katawan madaling-araw nitong Biyernes, Abril 15.
Ayon sa report ng www.gmanews.tv, hinihinalang biktima ng carjacking si Pilar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Marikina police, puwersahan daw na inagaw kay Pilar at sa kasama nitong babaeng nagngangalang Rosel Rosalem ng dalawang armadong lalaki ang dala nilang kotseng Kia bandang alas-9:30 ng gabi ng Huwebes, Abril 14, sa Riverbanks, Marikina City.
Dinala raw ng mga suspect ang Kia, kasama sina Pilar at Rosel, sa Antipolo City at iniwan sa Piedra Blanca Homes sa Antipolo ang aktres na tadtad ng saksak sa katawan.
Agad na tinulungan si Pilar ng mga residenteng nakatagpo sa kanya at dinala sa ospital, kung saan idineklara siyang stable at malayo na sa panganib.
Patuloy pang iniimbestigahan ng Marikina police ang kaso.
Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay PO3 Fidel Draculan ng Marikina Police CID (Criminal Investigation Division) hapon nitong Biyernes, April 15, wala pa silang lead sa kaso dahil hindi pa makausap si Pilar.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Wala pa rin daw silang alam kung saan dinala o kung ano ang nangyari sa kasama ni Pilar na si Rosel.
Ilang oras bago maganap ang insidente ay nakausap pa ng PEP si Pilar sa presscon ng kinabibilangan niyang stage play, ang The Vagina Monologues, sa Cercio restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ironically, ang isa sa mga naging topic ng usapan ay tungkol sa battered women.
Sa naturang pag-uusap, nabanggit ng aktres ang kanyang Pilar Pilapil foundation na kasama sa mapagkakalooban ng bahagi sa kikitain sa naturang stage play.
"Meron akong foundation, my advocacy is for abused women and children. It's called the Pilar Pilapil Foundation, matagal na 'yan. I've just been working quietly. I started it in 1998 but it was registered in 2003. Medyo matagal na rin.
"We have trainings for women and we help abused children that we send to schools to give them spiritual enlightenment. We also do feeding programs to the poor. May medical and dental missions rin for the poor pero quiet lang. Hindi masyadong publicized.
"If I'm not busy with showbiz, I'm busy with the foundation," nakangiting kuwento ni Pilar.
Sinabi rin niya na hands-on siya sa pamamahala ng foundation. "I am the one who looks for provisions for the people managing the foundation. I'm the founder but there are members of ours who are managing the foundation.
"We also build churches in very depressed areas like Baseco or some parts in Cebu and we use that church as a service area for Sundays and we use that as a school from Monday to Friday. We have teachings and we have feeding programs, medical missions and income generating projects."
Ikinukonsidera ng aktres na “calling" ang pagtulong niya sa kapwa at pagbuo ng naturang foundation.
"I have had a lot of experience with abused women in this country. I also am able to counsel them since I am a woman and I've been through things in life, too," pahayag niya.
Si Pilar Pilapil ay unang nakilala nang manalong Bb. Pilipinas-Universe noong 1967 at nakagawa na ng mahigit sa 61 pelikula at TV shows. Nagkamit na rin siya ng maraming nominasyon bilang aktres at nanalo na ring Gawad Urian Best Actress noong 1986 para sa pagganap niya sa pelikulang Napakasakit Kuya Eddie. Ang huling seryeng ginawa niya ay ang Agua Bendita ng ABS-CBN noong nakaraang taon.
source: gmanews
No comments:
Post a Comment