Thursday, April 14, 2011

PACQUIAO ‘DI SUSUGAL SA KNOCKOUT


source: abante


Sa kabila ng pagi­ging underdog ni former world champion Sugar Shane Mosley, idagdag pa ang mga sinasabi ng mga eksperto --- ayaw itong paniwalaan ni Filipino ring icon Manny Pacquiao.


Sa pinakahuling panayam sa Pambansang Kamao, itinuwid niya ang mga sinasabi ng mga tao, na magiging one-sided ang kanilang 12-round WBO welterweight fight sa Mayo 8 (Manila time) sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.


Ikinumpara ni Pacquiao si Mosley kay Erik Morales, na nagawang tapusin ang 12-round battle nito laban kay Marcos Maidana noong nakaraang Linggo.


“Maraming sinasabi ang mga tao tungkol sa laban namin ni Shane. Sabi nila, Shane is old and didn’t look good the last few times in his fights, but, I say, look at (Erik) Morales, fought (against Maidana) and I saw it. He did very good,” pani­mula ni Pacquiao sa panayam na lumabas sa boxscorenews.com.

“Shane will be like Morales when we fight. I know I will be dealing with the vintage Shane Mosley, not the one that people talk about now.”


Binigyan-diin pa ng kongresista ng Sarangani, na puspusan ang kanyang paghahanda sa laban, pero hindi niya ineensayo ang knockout. Hindi rin aniya iniisip na mana-knockout niya si Mosley.


“I know that I have to be very fast and very strong against him. I will start fast and end fast, but I am not looking to knock- out Mosley. I think that would be a mistake to train for that and to say these things because if I trained for a knockout against (Antonio) Margarito I believe that I probably would’ve lost,” anang 32-anyos na Pinoy champion.


Dagdag pa niya, kung sinubukan niyang patulugin si Margarito at ibinuhos ang lahat ng lakas sa kaagahan ng rounds at nabigo siyang pabagsakin ito, malamang aniyang napagod siya nang husto sa mga huling rounds.


“If I tried knocking out Margarito, then I would’ve thrown all my power and been too busy too early, but what if Margarito didnt fall/ then I would’ve been too tired to put up much of a fight later in the rounds and that is why I won’t look for the knockout against Mosley. He is just too dangerous and strong and big for me to focus on winning like that against him,” paliwanag pa ng Pambansang Kamao.


source: abante

No comments:

Post a Comment