Sunday, April 3, 2011

Mga Pinoy sa America, proud sa narating ni Thia Megia


source: abs-cbn


Ito ang Mountain House, California. Maliit na lungsod na matinding naapektuhan ng real estate housing crisis nang bumagsak ang ekonomiya ng Amerika.



Pero nitong mga nakalipas na buwan, linggu-linggo silang nabubuhayan ng loob sa magandang balitang dulot sa kanilang bayan ng isang 16 anyos na Pilipina.

"There's no denying that Thia put us on the map," sabi ni Celeste Farron na taga-Mountain House.

Ang tinutukoy niya ay si Thia Megia, ang Pilipinang umabot sa top 10 bagamat natanggal kanina sa American Idol.

Hindi man daw pinalad, malaking bagay na raw na dahil kay Thia, may maipagmamalaki na sila.

Kaya naman wala silang balak tanggalin ang pinag-ambagan nilang mga billboard at bumper stickers na ito.

Sa isang bahay naman sa Union City, nagtipon ang ilang kaibigan ng mga Megia na linggu-linggong nagtatawagan para iboto sa pamamagitan ng text si Thia.

At bagamat hindi umabot ang text votes para manatili siya sa tagisan, si Thia pa rin daw ang idol nila.

“Proud na proud talaga kami,” sabi ni Gemma Pajarillo.

“I’m pretty sure a lot of doors will be opening for her,” sabi naman ni Lita Trinidad-Libot.

Ngayon pa lang ayon sa mga taga-Mountain House, binuksan na ni Thia ang maraming pagkakataon para umunlad ang kanilang lungsod.

Ngayong pa lang, ayon sa maraming Pilipino dito sa America, naitaguyod na sila ni Thia.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment