Monday, April 4, 2011

Mahigit 100 residente, nakinabang sa makinang naglilinis ng tubig para mainom


source: abs-cbn


Hirap ang mga residente rito sa bahagi ng Imus, Cavite sa maiinom na tubig. Laking pasasalamat ni Aling Lydia nang mapagkalooban sila ng makinang makakatulong sa kanila para magkaroon ng malinis na tubig. Kahit pa mula sa tubig sa kanal ay kaya umanong gawing ligtas na maiinom.

“Dirty o waste water puwedeng gawing potable water na kung ayaw mo nang inumin, puwedeng pampaligo, pang-flush ng toilet, panglaba,” ani Harry Freires, ang nag-imbento ng makina.

“Wala ho mararamdamang sakit ng tiyan. Malinis ang tubig,” ani Lydia Ramirez, residente sa Imus.

Halagang P500,000 ang ginugol sa isang buong makina na inimbento ni Harry Freires. Sa ngayon, libre na munang ipinagkakaloob sa mga residente ang makina.

“Pagtagal po ng panahon iiwanan na po ito nang tuluyan sa kanila ng Rotary Club, kapag nakita po namin na kaya na nilang i-maintain sa sarili nila,” ani Osie Ang, past district governor ng Rotary Club 3810.

Sa kalaunan, magbabayad din ang mga residente sa bawat galon ng tubig pero sa halagang mas mababa kaysa sa mga commercial water refilling station.

source: abs-cbn

No comments:

Post a Comment