Saturday, April 16, 2011

KUMA ‘TALK’ SA GAME 1


source: abante


Game 2 bukas: (Araneta Coliseum)
4:00 p.m. – Barangay Ginebra vs Smart Gilas-Pilipinas
6:30 p.m. – Talk ‘N Text vs Air21


Sa sobrang puwersa kahit kabi-kabila ang dinaanang problema sa may dalawang linggong pagbabakasyon, ‘di iyon inalintana’t nakakunekta ng conference-hgh 27 points kay Ranidel de Ocampo, at diniskaril ng Talk ‘N Text ang Air21 via 97-90 win at iposte ang 1-0 abante sa 2011 PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals playoffs kagabi sa Araneta Coliseum.


We’re rusty from a long layoff. From 8-game winning-streak were really struggling the past week.

Paul (Harris) injured his left ankle and out for five days, and Jimmy (Alapag) has viral infection. Were getting problem on our regular rhythm in practice
,” daing ni TNT coach Chot Reyes.


“Ranidel (de Ocampo) and Ali (Peek) carried the load of our game tonight. And that’s the key for today.

And our second unit did well also tonight,” hirit pa ni Reyes.


Kinamada ni De Ocampo, mula sa bench, ang 20 sa first half pa lamang, habang may 18 na agad doon din ang may total 31 pts. na si Harris kung kaya’t uma­lagwa kaagad ang Tropang Texters sa biggest 21-point dahil sa jumper ng import, 45-24, 6:47 sa second period.


May 14 rebounds pa si Harris sa pagsapaw sa counterpart niyang si Alpha Bangura na halatang pagal sa pagiging quarterfinal survivor kontra Alaska para maka-23 pts. at 6 rebs. May 10 markers at 12 boards si Peek.


Wala na sa laro at sa buong serye si Jared Dillinger na napunitan ng bicep sa kanilang game sa Alaska sa Cagayan de Oro City noong Marso 19 at nao­perahan na sa Los Angeles. Sa playoff ng season-ending Governors’ Cup na ang malamang ang balik nito.


Well, we tried our best. ‘Yun lang ang nakayanan namin today,” komento ni Air21 coach Bong Ramos, na nakakuha ng 15 at 12 pts. mula kina Danny Seigle at Joshua Urbiztondo. “We will bounce back on Sunday.

source: abante

No comments:

Post a Comment