source: abante
Game 3 ngayon sa Araneta Coliseum:
5 p.m. – Air21 vs Talk ‘N Text
7:30 p.m. – Smart Gilas-Pilipinas vs Barangay Ginebra
Hindi na magpapaliguy-ligoy pa ang Talk ‘N Text at Barangay Ginebra na kumpletuhin ang mga pagwalis sa magkahiwalay na karibal sa 11th PBA Commissioner’s Cup best-of-five semifinals at maihulma ang pagtutuos sa Finals.
Ipinoste ng TNT ang kumportableng 2-0 sa race-to-three win playoffs sa pagtaob sa Air21 sa pagdomina sa dalawang unang salpukan sa nagdaang Linggo at Biyernes, 114-94 (Game Two) at 97-90 (Game 1) upang maibadya ang sweep mamayang alas-singko ng hapon.
At sa kagila-gilalas na pananalanta magmula pa sa single round eliminations para maging pinakamainit na team sa mid-season conference ng pro league o sa pag-iingat ng 10-game winning streak, ‘di na malayong magdiwang ang Tropang Texters para sa back-to-back Finals stint, o ika-10 sa kasaysayan ng prangkisa.
“But celebrating is still the farthest thing in our minds. We have to stay committed to our game.That’s important,” bulalas ni Texters bench tactician Chot Reyes. “I still believe Alpha Bangura is the best import in the league and we have to do our job to prevent him from torching us.”
Pihadong muling mga sasandigan ni Reyes sina Paul Harris, Ranidel de Ocampo, Jimmy Alapag, Kelly Williams, Ali Peek, Ryan Reyes, Jason Castro at Harvey Carey at patuloy na ‘di papormahin sa kanila ang Express sa halos tatlong taon na.
Nagsisilbing tinik naman sa Ginebra sina Nate Brumfield at Mark Caguioa kaya wagi sa Smart Gilas na muling katapat sa alas-7:30 ng gabi pagkaraang madale sa huling hamukan at sa opener, 110-103 at 97-96, ayon sa pagkakahilera.
Lalo na ang Ginebra import na siyang susi sa magkadikit na W – sa Games 1 at 2 kaya nagbabanta na sa pagsulong sa ika-19 na Finals appearance at harapin ang ‘Talk .. sa championship round.
“We have to keep our emotions down,” buladas ng counterpart ni Reyes sa Kings na si Jong Uichico.
“We still have a job to do. There’s no reason to celebrate. Every point and every stop is going to be a grind. Hopefully, we get this series. It doesn’t matter when.”
source: abante
No comments:
Post a Comment