Friday, April 22, 2011

Biyernes Santo



source: fil.wikipilipinas


Ang Biyernes Santo o Good Friday ay ang araw na ginugunita ang paghihirap at kamatayan ni Hesukristo sa krus. Ito ang araw kung saan inalay ng Anak ng Diyos ang kaniyang buhay upang matubos ang mga kasalanan ng sanlibutan.

Ginugugol ng mga Kristiyano ang araw na ito sa pag-aayuno, pagdarasal, pagsisisi at pagbulay-bulay sa paghihirap ni Hesukristo sa krus. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo.

Ang paghihirap ni Hesukristo at tumutukoy sa kaniyang pagdurusa--mental, pisikal, at ispirituwal. Ang Kaniyang matinding hapis, kung saan ang Tagapagligtas ay kusang-loob na nagparaya: ang pasakit sa katawan o isip sa Gethsemane, ang pighati ng pagkanulo at pagkutya, at ang labis na sakit ng paghagutpit at pagpako sa krus. Ang lahat nang ito ay tiniis ni Hesus, makapag-alay lamang ng pagbabalik-loob ang buong sangkatauhan--isang pagsasakripisyo para sa kasalanan.

Kasaysayan

Pagluksa ng Mahal na Birhen sa kaniyang anak na si Hesukristo
Ang Biyernes Santo ay idinadaos mula pa noong 100 C.E. Ngunit ilang taon din itong dinaraos na walang kinalaman sa pagkamatay ni Hesus kundi isang simpleng araw ng pag-aayuno. Mula noong ika-apat na siglo, inilarawan ng Apostolic Constitutions ang araw na ito bilang "araw ng pagluluksa, at hindi araw ng kasiyahan," hanggang ang araw na ito ay tinawag na 'Pasch (passage) of the Crucifixion.'

Mula noon, ginugunita nila ang araw na ito bilang araw nang si Hesus ay dinakip at nilitis. Siya ay inilipat sa kamay ng mga sundalong Romano upang ipabugbog at latiguhin. Isang koronang puno ng mahahaba at matatalim tinik ang tinusok sa kaniyang ulo. Si Hesus ay napilitan ding magpasan ng krus sa labas ng siuydad papunta sa Skull Hill. Nanghina siya ng husto matapos siyang bugbugin, at isang lalaking nagngangalang Simon na mula sa Cyrene ang hinugot mula sa mga nagmamasid at pinilit na ipabuhat ang krus ni Hesus. Pagdating sa Skull Hill, si Hesus ay pinako sa krus kasama ang dalawa pang kriminal na nasa magkabilang tabi niya. Isang karatula ang ikinabit sa ibabaw na krus na nagsasabing, "Hari ng mga Hudyo".

Kaugalian

Ang simbahan ay kadalasang inaalisan ng mga adorno, ang altar ay walang palamuti (krus, kandelarya o sapin sa altar), ang mga lalagyan ng nabendisyonang tubig ay walang laman, hindi ginagamit ang kampana at ang pinto ng tabernakulo ay nakabuukas, mga senyales ng araw ng pagluluksa. Ang mga liturhiyang pagdiriwang ng araw ng pagdurusa, pagkakapako at kamatayan ni Hesus ay ginaganap simula pa noong unang panahon ng Simbahan. Walang misang idinaraos sa araw na ito ngunit ang serbisyo ng Biyernes Santo ay tinatawag na Pre-sanctified dahil ang komunyon, na binasbasan pa noong Huwebes Santo ay ibinibigay sa mga tagasunod.

Karamihan sa mga simbahan ay mga mourning services mula tanghali hanggang alas-tres ng hapon bilang sagisag ng mga huling oras ni Hesus sa krus na kilala din bilang Tre Ore o Three Hours. Ang Tre Ore ay nagtataglay ng pitong sermon sa huling pitong wika ni Hesus. Ang ibang kongregasyon naman ay nagsasadula muli ang prusisyon ni Hesus hanggang sa kaniyang kamatayan sa pamamagitan ng isang ritwal na tinatawag na Istasyon ng Krus o Stations of the Cross.

Maliban sa mga Katoliko, iba't-ibang relihiyon din ang nagdadaos ng Biyernes Santo sa sari-saring antas tulad ng Anglicans, Methodists, at Lutherans.
Mga Seremonya

Ang Celebration of the Passion of the Lord ay kadalasang nagaganap tuwing alas-tres ng hapon ng Biyernes Santo. Ang Liturhiya ay kadlasang may tatlong bahagi: ang Liturhiya ng Salita ng Diyos, ang Pagsamba sa Krus at ang Banal na Komunyon.
Pagsamba sa Krus (Adoration of the Cross) - ay isang kaugalian kung saan ang mga Kristiyano ay lalapit sa isang krus na kahoy at magbibigay respeto.
Awit ng Pagsisisi (Chanting of the 'Reproaches') - ito ay madalas na inaawit ng pari kasabay ng mga seremonyas tuwing Biyernes Santo habang ang mga tao naman at nagbibigay respeto sa Krus.

Pagbasa ng Pasyon (Reading of the Passion) - ang pagbasa ng Liturgy of the Word at ng intercessory prayers para sa Simbahan at sa buong mundo.
Pagtanggap ng pre-consecrated Host (Receiving the pre-consecrated Host} - sa makabagong rituwal ng Latino at ng Simbahang Katoliko, walang idinaraos na Misa tuwing Biyernes Santo at Sabado de Glorya kung kaya't ang mga ostiya noong Huwebes Santo ang ginagamit.

source: fil.wikipilipinas

No comments:

Post a Comment