Saturday, April 2, 2011

Bitay sa ‘Pinas, gawing exclusive sa dayuhan


source: abante


Selective na parusang bitay ang isinusulong ngayon ng magkapatid na kongresista at ito ay ilalapat lamang sa mga dayuhang kriminal na pupunta lang dito sa Pilipinas para mag-operate ng kanilang ilegal na aktibidad.




Partikular sa tinukoy na kaso ay ang pagpupuslit, paggawa, pagbebenta at pag-upa ng mga Filipinong drug mule ng mga dayuhan.


Sa kanilang ihinaing panukalang batas kahapon, nais ni Cagayan Rep. Rufus Rodriguez at kapatid nitong si Abante Mindanao partylist Rep. Maximo Rodriguez na amyendahan ang Republic Act 9165 o Dangerous Drug Act upang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.


Gayunpaman, hindi para sa mga Filipino ang parusang kamatayan na ito kundi sa mga dayuhan na masasangkot sa ipinagbabawal na gamot tulad ng pag-ii-smuggle, pagluluto at pagbebenta ng droga sa Pilipinas.


Sinabi ng dalawang mambabatas sa kanilang panukala na kahahain lamang kahapon kaya wala pang numero, na kaila­ngang ipataw rin sa mga dayuhang ang mabigat ng batas sa kanilang pinanggalingang bansa.

source: abante

No comments:

Post a Comment