Lalong dumami ang bilang ng mga pagyanig ang naitala sa bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Sinabi ngayong umaga ni Phivolcs Director Renato Solidum, umabot sa 21 pagyanig ang naitala sa nakalipas na 24 oras, kung saan isa rito ay may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ayon kay Solidum patunay lamang ito na nagpapatuloy ang ipinapakitang abnormalidad ng bulkan.
Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkan kung saan inaabisuhan ng Phivolcs ang mga residente na iwasan ang pagtungo sa main crater ng bulkan, Daang Kastila at Mt. Tabaro ang mga lugar na sinalanta sa nakaraang pagsabog noong 1965 at 1977.
source: bomboradyo
Monday, April 18, 2011
Taal volcano quakes, nadagdagan pa - Phivolcs
source: bomboradyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment